top of page

Horoscope | Nobyembre 14, 2025 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 14, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2025 (Biyernes): Huwag mong sayangin ang espesyal na pribilehiyong ipinagkaloob sa iyo ng langit, na nagsasabing kapag gusto mong yumaman, tiyak na yayaman ka!

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka sa larangan ng negosyo. Kaya asikasuhin mo na ang negosyo! At huwag mo munang pagkaabalahan ang ibang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-27-38-33-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin mo na ikaw ngayon ay palakuwento. Ito ay senyales na ikaw ay susuwertehin na! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-14-18-26-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-21-29-31-34.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, lalo na ang iyong damdamin. Sobrang laki ng posibilidad na ang inililihim mo ay maihahayag mo na ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-20-23-39-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magmadali ka, at huwag mo nang sayangin pa ang araw na ito. Tandaan mo, ‘di ka dapat makuntento sa mga bagay na hawak mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-14-25-32-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikitang kakaibang sigla ang mapapasaiyo. Kaya gawin mo na ngayon ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-19-26-33-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamuhunan ka para ‘di mabigo. Kapag pagod ang ipinuhunan mo, ang pinagpaguran mo ay mamumunga rin ng pag-unlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-25-27-30-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makipag-ugnayan ka sa nilalang upang madami kang matutunan at malaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-28-33-36-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang maiingay na walang ginawa kundi hanapan ka ng mali. Sasayangin mo lang ang panahon mo kapag sila ay binigyan mo ng importansya. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-9-14-20-26-31-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang piliin mo. Huwag kang makikinig sa nagsasabing papangit ang buhay mo sa maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-22-28-34-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maiiwanan mo ang mga humahabol sa iyo, ito ay hindi lang sa larangan ng negosyo kundi maging sa buhay pag-ibig mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-27-30-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang lalakas at gagaling kapag lumabas ka ng bahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-6-19-25-31-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page