top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Nobyembre 13, 2022 (Linggo)

BULGAR
Nov 13, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 13, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 13, 2022 (Linggo): Ikaw ang taong palaban at hindi ka puwedeng matalo. Ang isa pa, ito ay totoo at hindi ka matatalo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon dahil mangyayari ulit na ang mga suwerte mo ay manggagaling sa iyong mga kaaway. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lottio-2-15-16-22-24-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumibo kapag mainit ang ulo ng iyong makakaharap. Hindi niya namamalayan na tila hindi sinasadya na ang ilang suwerte niya ay malilipat sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-25-29-30.

GEMINI (May 21-June 20) - Kikilos ang kapalaran mo nang palihim at walang makakahalata na ang mga suwerte ay biglang magdaratingan sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-25-36-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwang ibalita na ang humuhusga sa iyo ay huhusgahan ng langit, kung saan ang parusa sa utos na huwag mong husgahan ang kapwa mo ay mapapasakanya. Pagkabigo at kahihiyan ang agad niyang mapapala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-20-22-27-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo ang kabaligtaran ng gustong mangyari ng taong utos nang utos sa iyo. Magugulat siya dahil hindi niya namalayan na siya ang sumusunod sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-24-41-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na bubuksan ng langit ang pintuan para sa iyong mga kahilingan. Unahin mong hilingin ang kagalingan ng isang malapit sa buhay mo. Sa sandaling gumaling siya dahil sa iyong dasal, maraming pagpapala ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-21-29-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakagalit ang mga pangyayari sa iyong harapan. Higit kailanman, hinahon ang iyong kailangan. Dahil ang galit ay negatibong puwersa na ikaw ay puwedeng magkasakit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-23-36-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang init at lamig ay magkahalo ngayon. Ang dalawa ay parang nagyayakapan. Para sa iyo, ang ganitong pangyayari ay nagbabalita na ang iyong mga kilos at pagod ay magbubunga ng maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-29-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakamasid ang langit sa mga tulad mo na ang iniisip ay kung paano paghahandaan ang kinabukasan. Matutuwa sa iyo ang nasa itaas, kaya langit mismo ang aayos ng landas upang matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-24-25-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka pagdadamutan ng langit ngayon. Ipagkakaloob ang iyong mga kagustuhan at maging ang mga hindi mo nakuha sa pakikipagsapalaran ay ibibigay pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-23-35-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na ang iyong pampasuwerteng iniingatan ay nasa todong lakas. Kaya lakasan mo rin ang loob mo at huwag na huwag kang mag-aalinlangan sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-20-25-26-30-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bigla kang lumalakas, pero hindi ibig sabihin nito na maganda ang lahat para sa iyo. Pakinggan mo ang mga payo ng tao na higit na nakakaalam kung ano ang maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-23-24-28-33-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page