top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Nobyembre 12, 2022 (Sabado)

BULGAR
Nov 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 12, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 12, 2022 (Sabado): Kusa kang iaangat ng iyong kapalaran. Ibig sabihin, hindi dahil sa sarili mong kakayahan kundi noon pa man ay nakaguhit na sa kapalaran mo na ikaw ay umasenso at tuloy-tuloy na uunlad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ka nang wala sa loob mo, pero ang masuwerteng balita ay tama ang ikikilos mo. Hayaan mo na kapalaran ang magdikta ng mga dapat mong gawin. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-24-28-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Ibig sabihin, kung ano ang gusto mo ay gugustuhin din ng langit. Nasa iyo ang pagpapasya. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-22-25-27-29.

GEMINI (May 21-June 20) - Gumaganda pa ang takbo ng iyong kapalaran. Mas maganda ito kaysa sa nakaraan, gayundin sa kasalukuyang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak, na tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-28-30-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi paasa ang langit tulad ng ilang tao r’yan sa tabi-tabi. Sa ngayon, naghahanda ng regalo sa iyo ang nasa itaas nang sa gayun ay malubos ang kagalakan sa iyong puso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-28-33-37-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong mapansin na ikaw ay mapagmalaki. Sa totoo lang, nakakahigit ka sa karamihan, pero maganda pa rin kung magpapakumbaba ka. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-25-27-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sapat ang talino mo para masolusyunan ang mahihirap na palaisipan sa buhay mo. Hahangaan ka ng marami at gagawin kang tagapayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-20-21-24-27-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng aral mula sa masaklap na karanasan ng isang kakilala mo. Hindi puwede na matulad ka sa kanya, kaya muli, dapat matututo ka sa nangyari sa buhay niya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-21-31-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung magpapayo ka, gandahan mo ang tono ng iyong boses dahil ang pagkakamali ng ilang nagpapayo ay tama ang sinasabi nila, pero hindi tama ang tono ng kanilang pagsasalita. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-24-26-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyong-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Gawin mong simple at huwag mo nang lagyan ng kung ano-anong dekorasyon ang sasabihin mo. Sa ganitong paraan, mas maiintindihan ka at lahat ng kahilingan mo ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-25-27-33-35-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung magpapatuloy ang pagiging mahiyain mo, hindi mo malalaman na ikaw ay sobrang malakas sa nakatataas. Lakasan mo ang iyong loob at ngayon mo na ito kailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-26-29-30-32-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magdalawang-isip, gawin mo nang mabilis ang gusto mong gawin. Ang pagdadalawang-isip ay noon pa hadlang sa magagandang kapalaran na para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-13-30-32-39-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tanggapin mo ang imbitasyon na makibahagi sa pagsasaya at paglalakwatsa. Gayunman, unahin mo muna ang mga dapat unahin. Ang kailangang tapusin ay tapusin mo rin muna. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-19-20-23-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page