Horoscope | Nobyembre 11, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 11, 2022 (Biyernes): Magmumula sa mga mas mababa sa iyo ang mga suwerte mo. Pasayahin mo sila at pasasayahin ka rin ng langit. Ito ang hiwagang nakapaloob sa araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaking bagay ang para sa iyo, kaya hindi ka puwede sa maliliit na negosyo o pagkakakitaan. Kung sakaling maliliit ang iyong negosyo ngayon, dapat ay palakihin mo ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-23-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Walang dapat makialam sa gagawin mong desisyon. Ikaw lamang at wala nang iba ang magpapasya. Ang pakikisali ng iba ay hindi makakabuti at mauuwi pa sa pagkakamali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-23-39-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang basta-basta maniniwala. Ang totoo, sobra sa sapat ang talino at karanasan mo para sa pag-aaral mo sa mga problema na iyong kinakaharap sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-16-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Muli kang babalikan ng mga suwerte na talagang para sa iyo na ‘di mo pinahalagahan noon dahil ibang bagay nakatutok ang isip mo. Kahit ayaw mo o nag-aalinlangan ka pa, iyo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-28-30-32-36-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang malapit sa iyo, siya ay lalayo. Kung sino ang malayo ay lalapit. Ito ay pagsasaayos ng kapalaran. Oo, maaayos ang dating magulong kapalaran patungo sa paglago at pag-asenso ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-25-26-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makipagdebate ngayon, hindi dahil matatalo ka kundi dahil ang makakadebate mo ay lihim na aagawin ang iyong magagandang ideya at siya ang makikinabang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-23-24-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kasagutan sa kahilingan ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon. Huwag kang mag-alala dahil ang atensyon ng langit ay palaging nakatutok sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-25-27-38-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag-kaalaman ang nakukuha mo sa iyong makakakuwentuhan. Huwag kang manghinayang sa oras kahit sobrang haba ng inyong pagpapalitan ng pananaw. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-14-17-24-25-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itaas mo ang iyong ulo at lumakad ka nang may tiwala sa sarili. Makikita mo na ang mga bagay na ayaw mo at nakakagulo sa kapalaran mo ay kusang mawawala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-26-27-30-31-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nahihirapan ka dahil ayaw mong palayain ang iyong damdamin. Magdadatingan sa buhay mo ang magagandang bagay kapag nagawa mong makalaya sa iyong damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-23-25-29-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na parang sinuwerte ka na — ‘yun bang masaya ka at pasasayahin mo rin ang iyong kapwa. Kapag nagawa mo yan, magugulat ka at hindi makakapaniwala dahil malalaking suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-24-28-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi maganda ang magalit. Bagkus, ang maganda ay ang mapatawad mo ang mga nagkakamali sa iyo. Ito ang hinahangaan ng langit at binibigyan ng sobrang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-19-22-29-30.




Comments