top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Nobyembre 10, 2022 (Huwebes)

  • BULGAR
  • Nov 10, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 10, 2022


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2022 (Huwebes): Magtiwala ka. Mapalad ang tulad mo ang petsa ng araw ng pagsilang. Ibig sabihin, anuman ang iyong maranasan, langit mismo ang magpapaganda ng iyong buhay at kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit sa iyo ngayon ang masayang alaala na parang patak ng tubig sa tag-init. Ito ay magsisilbing pampasigla habang nagsisikap kang paunlarin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-23-27-39-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Patuloy kang bibigyan ng pagkakataon na ituloy ang mga plano mo na kumita ng mas malalaki. Kahit mas madalas kang nag-aalinlangan kung talagang kakayanin mo, ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-25-37-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka nang kumilos upang kusang malaglag ang mga negatibong puwersa na gusto kang talunin at dalhin sa pagkalugi at kabiguan. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-28-30-33-38.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakagulat ang kapalaran mo ngayon dahil bukod sa magbubunga ng maganda ang gawa ng iyong mga kamay, makakatanggap ka ng mga dagdag na suwerte mula sa langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-28-30-35-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mamahinga. Labanan mo ang iyong nakasanayan na kapag maganda ang buhay ay humihinto ka sa iyong kasipagan. Ang pagpapayaman ay tuloy-tuloy na walang patid na pagsisikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-23-27-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag na pormula ng tagumpay ang ilalagay sa isip mo. Wala kang dahilan kaya hindi mo mapapaunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-28-33-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magbawas ng mga kaibigan. Puwedeng pansamantala mo silang layuan. Sa ibang araw, makakatulong din sila sa iyo na panggagalingan ng mga alalay na kailangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-22-24-27-39-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipinaaalala sa iyo na ang dagat ay binubuo ng mga patak ng tubig. Ibig sabihin, hindi puwede ang biglaang malalaking kita. Mas maganda ang mapaghintay na hindi naiinip. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-25-26-34-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, hindi pa tapos ang masusuwerteng araw mo. Ngayon pa lang nagdaratingan ang iba pang nakakagulat na mga suwerte sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-24-27-28-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto ng langit na mamahinga ka kahit sandali lang. Sa pamamahinga, magbalik-tanaw ka sa mga panahon na masaya kang kapiling ang minahal mo sa buhay. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-22-28-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumikilos ang iyong kapalaran para mas madagdagan ang mga puwedeng makatulong sa iyo na matupad ang malalaking ambisyon mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-13-15-32-35-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pakinggan mo ang gustong mangyari ng iyong sarili. Mabibilis ang kilos mo ngayon dahil puwedeng masayang ang mapasasakamay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-20-29-31-32-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page