Horoscope | Nobyembre 1, 2025 (Sabado)
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 1, 2025

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2025 (Sabado): Saya ang kailangan ng iyong buhay. Kaya maghanap ka ng saya, at kung sumaiyo man ang kalungkutan, takasan mo agad ito, dahil ito ang magpapapangit sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panghinayangan mo ang maliliit na kita. Ang kayamanan ay naiipon sa maliliit, gayunman meron din namang malalaki, pero kadalasan nauuwi lang din ito sa wala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-25-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbawas ka ng sigasig na nakatuon sa pagsisikap. Sa ganitong paraan, lalong sisigla ang iyong mundo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-16-24-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang itinakda ng langit ngayon, kung saan kahit ayaw mo, mapapasakamay mo pa rin ang suwerte. Puwede mo itong ibahagi sa iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-28-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Suwerte ka ngayon. Kahit sayangin mo ito, may matitira pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-19-27-30-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magplano ka na ngayon, dahil tiyak na matutupad ito ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-29-33-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-utos ka at masusunod ka. Ito’y mangyayari ‘pag may kalakip na bagay na magbibigay sa kanya ng sigla. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-16-22-31-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mangyayari ang pinakagusto mo, pero ang mangyayari ay sobra pa sa sapat para masabi mong mas maganda pala ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-21-28-34-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa usapan at sa mga paraan ng inyong pamilya. Inaasahan nila na marami kang maiaambag na magagandang pananaw, nang sa gayun ay maabot ng lahat ang kaunlaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-10-24-39-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napakalakas ng iyong sigla. Kitang-kita rin na tugma sa iyo ang matinding hangarin na mas lalo pang yumaman. Masuwerteng kulay-sky blue. Tips sa lotto-9-18-20-21-27-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pigilan mo ang iyong damdamin. Ang sobrang pagmamahal ay kadalasang nagiging sanhi ng pagkaargabiyado ng taong sobrang magmahal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-28-33-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag maganda na ang takbo ng buhay, hindi na kailangan pa ang mga bagong ideya. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-3-16-22-29-31-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag nilunod mo ang iyong sarili sa masasayang kaganapan, baka hindi ka na makaahon at tuluyan nang hindi bumuti ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-8-18-26-28-34-42.





Comments