Horoscope | Nobyembre 1, 2022 (Martes)
- BULGAR
- Nov 1, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Nobyembre 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2022 (Martes): Una ka sa lahat ng bagay. Kung hindi sinasadya na maging pangalawa ka o mas mababa pa, kikilos ang kapalaran mo at ikaw ang mangunguna. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magyabang kahit sa totoo lang ay marami kang dapat ipagyabang. Ang pananatiling mapagpakumbaba ay magbibigay sa iyo ng mas marami pang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-26-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon dahil kahit magkunwari kang malungkot, ikaw pa rin ay sasaya dahil ang langit ay may inilaan sa iyong maraming regalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-23-28-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpapakita ng lakas ang mga suwerte mo na likas na nasa iyo na. Ang mga nag-aakala na kung ano-ano lang ang iyong ginagawa ay magugulat dahil sa mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-25-27-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mayroong isang dyosa ayon sa alamat, kung saan ang bawat matitigan niya ay nagiging batong matigas. Ang bawat tamaan ng iyong mga sulyap ay iyong mabibihag. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-21-23-26-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyong-iyo ang araw na ito. Malaya kang magagawa ang anumang gusto mo, pero kung wala kang gagawin na kahit ano, susuwertehin ka pa rin. Ito ang naging pasya ng langit na hindi na mababawi pa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-29-30-32-35-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadapo sa iyo ang masayang pangyayari na magsisilbing simula para positibo mong harapin ang katuparan ng marami mong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-13-19-20-28-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumalabas ang bango ng mga bulaklak kapag sila ay nasasaktan at nasusugatan. Babalikan ka na may halong pagsisisi at panghihinayang ng isang gumawa sa iyo ng kasalanan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-16-17-27-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nahahawakan ang tubig, pero hindi tulad ng solidong bagay. Malabong mahawakan ng kahit na sino ang damdamin mo. Mabilis na magbabago ang iyong desisyon, lalo na sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-28-29-33-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Oo, maganda ang tutok sa trabaho, pero ngayon, ang payo ay maglibang at magsaya ka. Masayang namamahinga ang Haring Araw sa gabi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-17-28-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang nasa iyo na, hayaan mong ang iba na nasa iyo ay magbigay ng saya. Sa totoo lang, siya rin ay masaya kapag nakita kang masaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-20-24-27-30-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paulit-ulit lang ang nangyayari sa mundo. Muli, hindi mo makukuha ang gusto mo, pero ang mapasasaiyo ay labis mong pasasalamatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-21-22-24-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang hindi makaintindihan ang dalawang nag-aaway, lilipat sa iyo ang mga suwerteng dadapo sa kanila. Ito ang pasya ng langit na ikaw ang makikinabang nang husto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-23-33-37-42.




Comments