top of page

Horoscope | Mayo 6, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 6
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 6, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2025 (Martes): Sakyan mo lang nang sakyan ang kapalaran, dahil dadalhin ka nito sa isang maaliwalas na buhay. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ganito ang sabi, ang lumalakad nang mabilis, ang hindi napapansin. Iwasan mong magmadali nang sa gayun ay makita mo ang lahat ng mahalaga na kakailanganin mo patungo sa iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-blue.Tips sa lotto-3-15-29-33-38-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumikilos ang kapalaran mo para sa iyo. Maaaring hindi mo maunawaan ang mga pangyayari dahil labag sa mga kagustuhan mo, ngunit sa huli, suwerte at magagandang kapalaran pa rin ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-18-19-21-35.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Bibigyan ka ngayon ng malaking pabor dahil ang araw na ito ay para sa iyo. Mas maganda kung simplehan mo lang ang iyong mga sasabihin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-17-31-32-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nasasaktan ang buong katawan kahit hinliliit lamang ang masakit. Ngayon, iindahin mo ang problema ng isang tao kahit siya ay hindi gaanong malapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-23-25-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Pinupuri ang magandang gawa at pinipintasan ang masama. Nakamatyag ang marami sa mga kilos mo. Pag-aralan mo munang mabuti ang bawat galaw mo upang ito ay maging maayos, perpekto at disimulado. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-20-24-33-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka maaawat sa gusto mong gawin. Sa katunayan, ang payo ng iyong kapalaran ay gawin mo ang gusto mo kahit marami ang nakakontra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-13-27-30-32-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga kung kakampi mo ang buong mundo o ang lahat ay nakakontra sa iyo. Ituloy mo ang balak mo dahil higit kaninuman, ikaw ang may karapatan sa sarili mong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-22-25-28-31.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nahaharap ka sa nakakapagod na buhay. Gayunman, ngayon ang takdang panahon na malaki ang maidadagdag mo sa pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-23-27-34-39.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Labanan mo ang iyong mga pag-aalala. Mas mabuti kung iisipin mo ang magagandang bagay, dahil ang labis na pag-aalala ay nagpapahina sa kalusugan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-21-25-28-30-32.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagtatagal ang hindi nagdadayaan, at tumitibay ang pagsasama kapag walang ikinukubling katotohanan. Ito ang gawin mong gabay nang mapanatag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-20-23-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabalik-balik lang ang ikot ng kapalaran. Muling babalik ang mga araw na sobrang sasaya ka dahil sa bagong kakilala, gayundin, dahil sa magagandang oportunidad sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-26-33-36-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mahalaga kung alam mo ang lahat ng bagay. Simple lang naman ang susi ng tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-22-27-30-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page