top of page

Horoscope | Mayo 4, 2025 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 4
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 4, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 4, 2025 (Linggo): Ikaw ang magbibigay ng suwerte sa iba. Ito ang papel mo sa mundo. Pero kahit na ganu’n, unahin mo pa rin ang iyong sarili. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalaga ang kasiyahan sa isang tao. Kaya iwasan mong maging negatibo. Ang pagiging positibo ay daan upang suwertehin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-24-28-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang makakalimot sa mga taong laging umaalalay sa iyo. Dahil habang inaalala mo sila, sa panahong ito ng tag-init, tuluy-tuloy na darating sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-25-29-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Isabuhay mo ngayong taon ang pagkilos, dahil ito ang daan para mawala na ang mga negatibo mong pananaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-16-27-37-44.


CANCER (June 21-July 22) - Mas marami kang masasalo sa mga biyayang ihuhulog ng langit. Huwag mong kaligtaan na ibahagi sa mga kapos ang mga pagpapalang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-22-31-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy na gaganda ang iyong kapalaran. Higit kailanman, mas maganda kung pahahalagahan at iingatan  mo ang mga regalo ng langit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-13-25-30- 35-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang pag-iisip. Ang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing sumakay ka lang sa mga pangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-14-21-26-34-41


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang balikan ang mga nakaraan upang ‘di ka na malungkot. Piliin mo ang mga bagong pakikipagsapalaran nang sa gayun ay mas gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-20-23-30-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manatili ka sa tabi ng mga taong nagbibigay ng saya sa iyo. Samantala, layuan mo naman ang mga taong naghahatid sa iyo ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-28-31-39-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutukan mo ang mga ambisyon mo. ‘Wag mo nang intindihin pa ang mga bagay na wala namang kinalaman sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-26-33-38-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga bagay na magpapahina sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-15-21-27-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang kulay ng mga araw na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-14-22-31-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakaguhit na sa kapalaran mo ngayon ang napakaraming paglalakbay. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-25-29-36.


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page