Horoscope | Mayo 31, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 31, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 31, 2026 (Linggo): Tagahatid ng suwerte ang papel mo sa mundo. Marami ang susuwertehin dahil sa iyo. At kung gusto mong yumaman, magagawa mo ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga makakasira sa iyong araw. Mas mabuting bilangin mo ang mga biyaya at masasayang sandali ng iyong nakaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-28-31-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami kang dapat baguhin sa sarili mo, pero huwag na huwag mong babaguhin ang hangarin mong magkaroon ng masaganang buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-17-20-22-25-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na magplano ka para sa hinaharap. Hindi puwedeng makuha ng tao ang mga gusto niya nang walang ginagawang preparasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-26-30-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Masarap makinig sa mga pangako ng pagbabago. Hindi ka dapat umasa na matutupad ang mga pangako, at hindi rin maganda kung ikaw ay kokontra. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-23-29-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sakyan mo pa rin ang agos ng pagsasaya kahit nakadarama ka ng bahagyang kalungkutan. Mahalaga ang masayang pagsasama-sama lalo na sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-10-17-26-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang mga makabagong ideya na nabuo sa isip mo sa mga gustong umasenso. Marami ang matutulungan mo dahil sadyang kakaiba ang mga pormula mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-20-32-36-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humahabol ang ilan na gustong magsaya. Huwag mo silang layuan at huwag mo rin silang tanggihan. Isang obligasyon mo sa iyong kapwa ang pasayahin sila, lalo na ang mga gustung-gusto kang makasama. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-18-27-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpahinga ka ngayon, lalo na’t nahaharap ka sa mga nakakapagod na araw. Mas mabuti na may lakas kang reserba para sa iyong sarili upang patuloy mong mapitas ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-21-28-32-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mga araw na darating na hahamon sa iyong galing at husay sa pamamahala. Huwag mong kakaligtaan na dapat ay pantay-pantay ang iyong mga patakaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-24-30-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang umaasa sa iyo. Marami rin sa kanila ang puwede namang tulungan ang kanilang sarili. Tulungan mo rin silang makapagsimula upang hindi sila habambuhay na umasa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-17-25-33-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakabagot ang buhay kahit pa masasaya ang mga kaganapan. Mas mabuti na wala ka munang kasama. Sa ganitong paraan, babalik ang sigla mo, at kapag bumalik ang sigla mo, lalo kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-23-26-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umayon ka lang sa mga naririnig mo. Hindi dapat masira ang iyong araw sa panahong puro pagsasaya na lamang. Huwag mong pansinin ang mga kontrabida, dahil sasakit lang ang ulo mo sa kanila. Ituloy mo lang ang plano mo, sapagkat ito ang araw na pagtatagumpayin ka ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-11-19-29-31-37.



Comments