Horoscope | Mayo 30, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 12 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 30, 2026

Sa may kaarawan ngayong Mayo 30, 2026 (Sabado): Marami kang lantad at lihim na kaaway, pero ikaw pa rin ang magwawagi. Maiiwanan mo sila hanggang sa tuluyan silang sumuko.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang pagkakataong mapaganda ang iyong kalagayan ay mananatili sa iyo sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-22-34-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdagdag ka ng kaalaman kung paano mo mas mapapahusay ang iyong mga katangian. Hindi ka mabibigo dahil ang nagdadagdag ng kaalaman ay umuunlad ang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-17-20-25-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Madidikit ka sa mga taong may sinasabi at nagtagumpay na. Ididikit ka ng langit sa kanila nang sa ganu’n ay matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-28-31-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit mahina ka, ang katuparan ng mga pangarap mo ay mapapasaiyo pa rin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-15-21-26-35-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang. Huwag kang magmadali na magtagumpay. Ang bungang nakalaylay sa sanga na hilaw pa ay hinihintay munang mahinog bago pitasin at kainin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-14-27-29-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadaloy sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Dumating na ang takdang panahon kung saan sa bawat gagawin mo, ikaw ay mananaig, at tiyak na makikinabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-18-23-31-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo lang at huwag mong iwasan ang mga taong may sinasabi, dahil dala-dala nila ang mga regalong mula sa langit na sadyang inilaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-16-22-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabalita ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating na magbabago ang takbo ng iyong kapalaran, kung kailan magsisimula na ang maliligayang sandali para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-20-25-32-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasasagap ng tao ang pagdating ng kanyang kapalaran. Masigla ka ba, laging nakangiti at may kakaibang sarap na pakiramdam? Ibig sabihin, ikaw ay susuwertehin! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-26-30-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tataas ang posisyon mo, kaya maglalabasan ang mga naiinggit sa iyo. Gayunman, huwag kang mag-alala, dahil mapapanatili mo pa ring matatag ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-27-34-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aaksaya ka at hindi ka maawat. Ito ay dahil sunud-sunod ang pagdating sa iyo ng mga biyaya. Nagtataka ang mga nasa paligid mo kung bakit malapit sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-14-22-35-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang malalaking suwerte. Mababawasan ito kapag hindi ka naghanda, pero wala kang dapat ipag-alala, dahil ang matitira sa iyo ay sobra at sapat na para sa iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-21-33-36-45.



Comments