top of page
Rob Sy - Interview.jpg

Horoscope | Mayo 29, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 29, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 29, 2026 (Biyernes): Malambot ang iyong damdamin. Madali kang bibigay sa mga kabaitang ipapakita sa iyo. Isa itong kahinaan mo, kaya pag-aralan at kontrolin mo ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na pagbibigyan mo ang mga taong hindi mo pinagbigyan noon. Tiyak na makabubuti ito sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-11-16-20-25-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmamahal ang naghahari sa iyo, ngunit hindi ang pagmamahal sa materyal na bagay. Iwasan mo rin ang sobrang pagmamahal sa sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-21-24-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Tunay kang masuwerte kapag bumagal ang takbo ng iyong mundo dahil palatandaan ito na hindi mo isusubo ang sarili mo sa walang katiyakang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-19-28-31-35.


CANCER (June 21-July 22) - Bumabalik ang mga araw na mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwang tao. Ang hindi mo hiniling ay maaaring dumating sa iyo, at anuman ang mangyari ay magpapaganda pa rin ito ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-12-22-32-39-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang may kakayahan, siya ang dapat umalalay. Ikaw ngayon ay may kakayahan, kaya alalayan mo ang mahihina at nangangailangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-23-29-33-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagkakaroon ng espasyo kapag may nawawala. Mahiwaga man ang pahayag na ito, para sa iyo, ang bagong espasyo ay para sa bagong kabanata ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-26-36-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibahagi mo ang saya na nasa iyo. Paano? Simple lang, makipagkuwentuhan ka sa isang taong may mabigat na problema at siya mismo ang magsasabing, “Salamat sa pagpapasaya sa akin.” Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-27-35-37-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kaninuman, ikaw ang maaaring pagmulan ng biyaya para sa mga walang-wala. Kahit hindi kalakihan ang maibigay mo, labis nila itong pahahalagahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-21-29-32-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka, dahil mahina ka ngayon laban sa mga tukso. Huwag mong kalimutan na tukso rin ang pabagu-bagong pasya, lalo na kung hindi mo itutuloy ang matagal mo nang plano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-24-28-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Buhay na buhay ang iyong pag-asa, at ang buhay na pag-asa ay namumunga. Ibig sabihin, magkakaroon ng katuparan ang iyong mga pangarap at magsisimula itong maganap ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-33-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka ipinanganak upang maging alipin, kaya bakit ka magpapaalipin sa iyong kalungkutan? Walang sinuman o anumang bagay ang maaaring umalipin sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-15-21-30-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi magandang makita ang pagluha ng taong nagkamali sa iyo. Maaawa ka lamang at makakalimutan mo ang mga nagawa niyang kasalanan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-15-18-23-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page