top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Horoscope | Mayo 28, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 28, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 28, 2026 (Huwebes): Kitang-kita ng mga nasa paligid mo na sunod ang layaw mo. Kaya naman, mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan na kailangan pang maghirap upang mabuhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Parang mga patak ng ulan ang katumbas ng suwerteng darating sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-13-21-24-27-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Araw mo ngayon! Kaya anuman ang hilingin mo sa langit, tiyak na mangyayari. Ingatan mong humiling ng ikasasama ng iyong kapwa, dahil tiyak na matutupad din ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-20-28-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasilaw ang kislap ng liwanag. Binabalaan ka na puwede kang masilaw sa sariling kislap ng iyong buhay at aakalain mong hindi na matatapos pa ang masasayang kaganapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-19-22-27-31.


CANCER (June 21-July 22) - Umaawit ang ibon dahil siya ay pinaghaharian ng pag-ibig. Maririnig mo ngayon ang awit ng pag-ibig, dahil sadyang para sa iyo ang nakakaakit na mga himig, kaya naman ikaw ay mapapaibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-23-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang saktong araw na nakalaan para sa iyo. Kaya sa panahong ito na hindi mo maintindihan ang panahon, humiling ka sa langit at makikita mo, tiyak na magkakatotoo iyon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-15-25–27-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na marami ang lihim na hahanga sa iyo, kokopyahin nila ang mga diskarte mo at isasabuhay ang mga magagandang salitang naririnig mismo nila sa iyong mga labi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-19-26-29-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya hindi totoo na hindi lilipas ang lungkot mo. Kaya lang naman nagtatagal ang kalungkutan, dahil kumakapit ka ru’n, ngunit ngayong pinalaya ka na ng langit, sarap at ligaya na ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-22-28-37-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang langit para sa kabutihan mo. Kahit hindi mo pa gaanong maunawaan, tuloy-tuloy itong aayusin ng iyong kapalaran. Kaya mas maganda kung lagi kang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-24-26-30-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat malibang sa magagandang balitang naririnig mo na pumapabor sa iyo. Ituloy mo lang ang pagsusumikap na parang ngayon ka pa lang nagsisimula. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-27-32-34-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matibay ang punong malalim ang kapit ng ugat sa lupa. Matibay ka ngayon, dahil nagbabalik sa iyo ang mga aral na natutunan mo mula sa iyong mga karanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-17-29-35-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang dating ng mga suwerte sa buhay mo, kahit ang mga naiinggit at nagnanais na mabigo ka ay nagugulat at namamangha dahil hindi na nila kayang mahadlangan ang nasabing mga suwerte at magagandang kapalarang dumarating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-23-27-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang para sa iyo at ang para sa iyo ay ang mga suwerteng lumalapit sa harapan mo. Ito ang minsang pagkakataong iniaalok sa iyo na magpapaganda sa buhay mo. Muli, kunin mo, dahil ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-21-25-31-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page