top of page

Horoscope | Mayo 28, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 28, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 28, 2025 (Miyerkules): Mas mapalad ka kesa sa mga pangkaraniwang nilalang. Ibahagi mo sa iba ang ilang mga suwerte mo, at tulungan mo rin ang mga nagmamalasakit sa mga may sakit.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap ang kalagayan ng maraming tao, pero may iba na nagsasakripisyo para sa kapakanan ng lahat. Ayon sa kapalaran mo, puwedeng-puwede ka ring magsakripisyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-24-33-40-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag kang maglakas-lakasan ng loob. Ang nagmamahal sa iyo ay nag-iingat at pinahahalagahan ang kanyang kalusugan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-21-30-39-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa panganib. Hindi ngayon ang panahon para makipagsapalaran. Totoong sumasaya ka sa mga aktibidad na nakataya ang kapalaran mo. Ang mahalaga ngayon ay nasa bahay ka lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-27-31-33-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi lahat ay nabibili ng pera, dahil maging ang mga mayayaman ay nagkakasakit din. Mamuhunan ka sa pagpapalakas ng kalusugan at huwag ka munang mamuhunan para dagdagan ang iyong yaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-20-29-37-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Maganda ang nag-iingat at nakikinig sa mga otoridad. Ang bawal ay bawal dahil ito ay para sa kapakanan ng lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong abusuhin ang iyong sarili, lalo na sa mga araw na ito kung kailan ang bawat tao ay dapat malakas ang resistensya. Umiwas ka sa mga aktibidad na pag-aaksaya lamang ng lakas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-28-33-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humihina ang katawan kapag nalulungkot. Huwag mong hayaan na talunin ka ng mga personal mong problema. Gumawa ka ng kaukulang paraan upang ika’y lumigaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-18-29-34-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makinig sa mga payo na kung magkakasakit ay magkakasakit ka. Tandaan, ang mga sakit ay mula sa kapabayaan sa katawan at kalusugan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-26-35-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin mo ang loob ng mga mahal mo sa buhay na nawawalan na ng pag-asa. Hindi makakabuti na ang malalapit sa iyo ay nabubuhay sa negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-22-28-33-39-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Bumili ka ng mga pampalakas ng katawan, sapagkat sa ganitong paraan, magsisimula ang mas marami pang pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-21-26-35-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka kahit nasa bahay ka lang. Ang iba nga, kahit nasa labas ng bahay ay pinaghaharian pa rin ng kalungkutan. May paraan kung paano ka sasaya sa araw na ito, kaya gawin mo na ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-13-22-28-32-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tubig ang iyong likas na elemento, kaya dagdagan mo ang pag-inom ng tubig dahil ito ang magbibigay sa iyo ng lakas at sigla. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-25-29-34-40-45.

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page