Horoscope | Mayo 27, 2025 (Martes)
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 27, 2025

Sa may kaaarawan ngayong Mayo 27, 2025 (Martes): Mananalo ka sa bawat laban ng iyong kapalaran, kaya walang dahilan upang atrasan mo ang anumang hamon na ibinabato sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo puwedeng gawin ang mga hindi mo nagawa noong nakaraan. Puwede mo ring gawin uli ang mga bagay na nagparanas sa iyo ng kabiguan. Ang araw na ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-24-33-39-45
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang naman ang kailangan mo at hindi malaking puhunan. Kapag malakas ang iyong loob, uunlad ang buhay mo. Lakas ng loob ang isa sa mga susi ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-25-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Puwede mong sugurin ang iyong pangarap. Oo, makukuha mo ito, pero ipinapayo pa rin na pag-aralan mo munang mabuti kung paano ito mahahawakan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-29-31-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, ipinapaalala sa iyo na iwasan mong magalit. Nang minsang nagalit ka, para kang baha na rumaragasa at walang sinumang puwedeng humarang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-22-28-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matatalo mo ang iyong mga kalaban, pero mas maganda kung hindi ka na papatol, dahil ang sinumang nakakalaban mo ay paniguradong nasisira ang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach .Tips sa lotto-14-20-22-24-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka na parang hindi negatibo kahit marami kang ipinag-aalala. Higit kailanman, ngayon mo na kailangang tahakin ang landas papunta sa dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-27-33-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - May kani-kanyang takdang panahon ang bawat aktibidad sa ibabaw ng mundo. Para sa iyo, ngayon ang panahon para paramihin ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-23-27-30-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na mararamdam mong paparami at papalapit sa iyo ang mga suwerte. Gayunman, kailangan mong itago ang hindi mo magagandang gawi nang matiyak na dadapo sa iyo ang mga suwerteng ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-17-25-27-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagsimulang muli ang mga araw na papabor sa mga plano mo ang kapalaran. Gayunman, ituloy mo ito dahil hindi maganda ang puro lang plano. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-24-27-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong buhayin ang iyong kaduwagan. Kahit kailan, ang mahina ang loob ay nauunahan ng kanyang mga kakumpitensya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-21-25-34-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang daan sa iyo ng mga suwerte. Kung hindi ka marunong magsinop, sa huli ay wala kang maiipon. Pinahahalagahan at iniingatan ang mga suwerte na dumarating sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-21-27-34-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ngayon ang loob mo na parang lahat ay kaya mo. Ito ba ay totoo? Ang sagot ay oo, wala kang hindi kaya dahil sa lakas ng loob mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-20-30-39-40-42.
Komentar