top of page
BIDA - AGOT KAY SEN. ROBIN SA HINA NG ULO MONG ‘YAN, SA TINGIN MO, MAUUTO MO KAMI-FB Agot

Horoscope | Mayo 26, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 26, 2026 (Martes): Magdaratingan na ang mga suwerte mo, pero may suwerte ka rin na dahan-dahang guguhit sa iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang pampasuwerte mo sa ngayon. Kahit hindi mo dalhin sa iyong pupuntahan, sapat nang masalat lamang ito ng iyong kamay bago ka umalis ng iyong bahay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-18-29-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakagulat at mahirap paniwalaan, pero ang iyong pampabuwenas ay ang ngiti ng iyong kapitbahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-21-25-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao at hindi rin bagay ang iyong pampasuwerte, alam mo kung ano? Bilis na pag-aksyon ang daan upang hindi ka na mag-isip nang sobrang tagal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-23-31-37-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag nilambing ka ng iyong karelasyon, ang mga suwerte ay darating sa iyong harapan at maging ang panalo ay iyo ring matitikman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-27-32-35-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ang hindi mo kilala. Hindi mahalaga kung maliit lang na saya ang maibibigay mo. Magugulat ka at hindi makapaniwala na ang magagandang kapalaran ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-20-34-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang paraan para suwertehin. Ito ay nagsasabing huwag kang darating sa eksakto sa oras. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-19-24-33-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magkunwari kang ayaw mo sa bagay na gusto mo, dahil ito ang sikreto para mapasaiyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-22-28-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipakita mong matapang ka, hindi sa pamamagitan ng away kundi sa pagharap mo sa mga hamon ng iyong kapalaran. Gawin mo ito upang ang malalaking pangarap mo ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-21-27-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag matigas ang paninindigan mo, hahangaan ka at ang langit ay sasaludo sa iyo. Tatanggap ka ng malalaking suwerte sa buhay dahil napahanga mo ang langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-25-30-35-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo muna na ikaw ay mahiyain. Sa ganitong paraan, masusumpungan mo ang sarili mo na nasa tabi na mismo ang iyong suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-18-23-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng kuwintas o palawit sa katawan, dahil ito ang magsisilbi mong pampabuwenas. Gawin mo ito kahit pa nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-4-11-13-26-31-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang paraan para ka suwertehin sa mga araw na ito. Ito ay nagsasabing dalasan mo lang ang pagtingin sa malayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-20-33-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page