Horoscope | Mayo 25, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- 3 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 25, 2025

Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2025 (Linggo): Malawak ang mundo na iyong ginagalawan. Tandaan mo, mas malalaking pangarap ang mas maganda para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong limitahan ang iyong sarili sa maliit na ambisyon. Ang maliliit ay gawin mong malaki dahil ikaw ay isinilang para sa malalaking bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-25-30-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na masayang ang magagandang oportunidad na nasa iyong harapan. Sunggaban mo ito agad kahit sa totoo lang ay nag-aalinlangan ka sa sarili mong kakayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-22-32-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mong mabuti ang malaking proyekto na nasa isip mo, nang sa gayun ay maiwasan mo ang mga hindi inaasahang problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-24-26-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang maitutulong ng isang bagong kakilala sa iyong mga pangarap. Huwag kang mag-alinlangan dahil malinis ang kanyang motibo. Ito ang payo ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-9-11-19-27-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabalik ang nagtampo, at maging ang nagalit ay nagbabalik din. Ang mahalaga ay bukas ang puso mo at handang tanggapin ang mga nagbabalik sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-22-29-31-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, maliit ang pagkakabukas ng pintuan ng oportunidad, pero sa taong gustong makuha ang gusto tulad mo, balewala kung maliit ang pintuan na dadaanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-28-30-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbababala ang araw na ito, gayundin ang mga araw pang darating na puwede ka pang magbago ng pasya. Mas maganda na humingi ka muna ng opinyon sa mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-25-34-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malayo o malapit, ang panahon ngayon ay hindi na mahalaga. Ang importante ay ang pagiging seryoso at desidido. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-23-27-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napansin mo ba ang nangyayari sa mga halaman? Nalalanta at napapalitan ang mga dahon upang manariwa at maging luntian muli. Gaya ng halaman, lalayuan mo ang mga pabigat at papalitan ng mga taong magbibigay sa ‘yo ng suwerte at saya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-21-28-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na binubuksan muli ng langit ang bintana para sa iyo. Gawin mo na ang gusto mong gawin at kausapin ang mga dapat kausapin. Masuwerteng kulay- orange. Tips sa lotto-16-22-24-25-33-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na parang wala kang mga alalahanin. Magugulat ka dahil ang mga ito ay biglang maglalaho isa-isa, kung saan parang ikaw lang ang nag-imbento ng mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-21-29-32-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipamigay mo ang mga hindi mo na kailangan. Sa ganitong paraan, gagaan ang buhay mo. Ang mga bagay at tao na tapos na ang misyon sa buhay mo ay magiging pabigat lang sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-23-24-28-39-41.
תגובות