Horoscope | Mayo 24, 2025 (Sabado)
- BULGAR
- 16 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 24, 2025

Sa may kaaawan ngayong Mayo 24, 2025 (Sabado): Kagandahan ng buhay ang regalo sa iyo ng langit mula nang ika’y isinilang. Kaya kahit may mali sa mga pangyayari, sa bandang huli ay maaayos pa rin ang lahat.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ka na parang masaya kahit may lungkot sa puso mo. Kaya naman, ang mga suwerte ay mag-uunahang dumapo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-20-26-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng kapalaran kahit sa totoo lang ay nakakanerbiyos ding sumabay sa agos ng buhay. Gayunman, lakasan mo ang iyong loob dahil dadalhin ka nito sa dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-21-24-25-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Magmamadaling lalapit ang magbibigay sa iyo ng masarap na buhay. Ikaw ay mahaharap sa pakikipagsapalaran, gayunman, kakaibang saya at suwerte naman ang idudulot nito sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-22-23-39-40-41.
CANCER (June 21-July 22) - Malambot ang damdamin mo ngayon, subalit mas malakas ang likas mong gayuma. Darating sa buhay mo ang napakalaking suwerte na para bang nanalo ka sa lotto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-21-28-30-33-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madali kang maiisahan ngayon dahil mahina ka sa mga taong magpapakita sa iyo ng pagtingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-24-28-38-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpasya ang langit na balewalain na lang ang mga kahinaan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-23-32-38-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mga pangyayari sa iyong harapan, dahil ang mapanghusga ay huhusgahan din ng langit. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-10-15-26-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakapusin sa oras ang mga lihim mong kaaway dahil ang hinahangad nila na ‘wag kang suwertehin ay hindi mangyayari. Sa halip, habang sila ay humahadlang, lalo ka pang mas susuwertehin at pagpapalain. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-22-29-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbubunga ang pagsisikap mo at bukod sa mga ito, tatanggap ka pa ng regalo mula sa langit na nakalaan sa mga taong may pangarap sa buhay. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-28-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nag-aalinlangan ka, patuloy pa ring gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-19-23-26-30-41-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahil kinikilala at inaamin mong mahina ka, langit ang magbabantay sa iyo at bibigyan ka ng proteksyon sa mga may masamang motibo at negatibong pangyayari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-26-27-39-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahanap ka ng mga suwerteng inutusan ng langit na dumapo sa iyo. At kahit magtago ka, hindi sila titigil hangga’t hindi nila natutupad ang kanilang misyon na ikaw ay bigyan ng malaking suwerte at kakaibang kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-16-22-28-37.
Comentários