Horoscope | Mayo 23, 2025 (Biyernes)
- BULGAR
- 11 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 23, 2025

Sa may kaarawan ngayong Mayo 23, 2025 (Biyernes): Gamitin mo ang iyong likas na talino para matupad ang mga ambisyon mo. Gayundin, huwag kang magpapagamit kahit kanino, bagkus, unahin mo ang iyong kapakanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sumisingit ang matinding init kapag tag-ulan. Huwag mong hayaan na masingitan ka ng tukso. Gayundin, huwag mong kalimutan na puwede nitong masira ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-18-20-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka makikinig sa mga payo sa iyo ngayon. Ang totoo, walang sinumang puwedeng makialam sa taong nagmamahal kahit pa mali ang kanyang pagmamahal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-31-36-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon, binibigyan ka ng kalayaan ng langit, kung saan puwede mong iguhit ang iyong kapalaran. Kapag nagawa mo ito, ang mga ambisyon mo sa buhay ay isa-isa nang matutupad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-15-20-23-34.
CANCER (June 21-July 22) - Bilisan mo ang pagdedesisyon. Mauubos ang mahahalagang oras mo sa kaiisip ng solusyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-23-30-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda tingnan kung wala kang ambisyon. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-25-28-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Puwede ka namang umatras kapag alam mong mapapahamak ka. Bakit ka makikipagsapalaran sa wala na rin namang magandang kauuwian? Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-26-27-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong asahan ang mga taong wala namang kuwenta. Gumising ka sa katotohanan, dahil hindi maganda na dinadaya ng tao ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patuloy kang sinusubaybayan ng langit. Huwag mong akalain na ikaw ay pinababayaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-26-30-32-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling bibilis ang takbo ng mga pangyayari. Mapag-iiwanan ka kung mananatili kang nag-aalinlangan. Huwag kang matakot, simulan mo na ang gusto mong abutin dahil tiyak na ito ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-17-27-28-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, kapalaran mismo ang tumatapos sa maling nakasanayan. Tanggapin mo ang mga pagbabago sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-27-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magdahan-dahan ka. Totoo sa buhay ng tao na ang sobrang kabilisan ay pinagsisisihan. Pag-aralan mong mabuti ang mga susunod mong hakbang. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-12-21-26-29-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mas maganda talaga kapag malakas ang loob mo, subalit minsan, gaya ng nangyayari ngayon, ang sobrang lakas ng loob ay maaaring maging sanhi ng iyong kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-26-30-32.
Comments