Horoscope | Mayo 22, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 22, 2025

Sa may kaarawan ngayong Mayo 22, 2025 (Huwebes): Malakas ka kesa sa mga pangkaraniwan. Kaya ituon mo ang lakas mo sa pagpapayaman at hindi sa pakikipag-away.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy na gaganda ang iyong buhay dahil taglay mo ang lakas ng loob na sasapat upang yumaman ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-20-36-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patatalo sa mga taong negatibo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-20-26-28-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na para bang hindi ka nag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-19-22-28-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kinakabahan ka ba at hindi mo rin ba alam kung bakit? Ito ay sa kadahilanang nasasagap na ng sarili mo ang paparating na suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-24-34-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapalaban ka ngayon sa iyong anino. Oo, sa anino mo! Siya ang nagtataglay ng iyong kahinaan na ayaw na ayaw mong ilantad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-12-29-30-32-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madaling iinit ang ulo mo dahil sa ilang mga taong mahirap makaintindi. Kapag napansin mong may ganitong tao sa paligid mo, maging mahinahon ka dahil talagang nagkalat lang sa tabi-tabi ang mga ganu’ng uri ng tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-23-25-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit pa magkamali ka at sabihin pang nakakagawa ka ng kasalanan, handa ka pa rin tulungan ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-27-33-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumataas ang mga alon sa dagat hanggang sa nakarating sa kalupaan. Dala-dala ngayon ng mga along ito ang iyong kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-19-23-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga taong ‘di makaunawa, dahil baka mahawa at humina rin ang ulo mo. Tandaan mo, hindi lang sakit ang nakakahawa, dahil maging ang kakitiran ng utak ay nakakahawa rin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-22-25-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aaway at nagsisiraan ang mga pulitiko. Sa kanilang pakikipagtalo, ikaw ang tiyak na makikinabang. Magkakaroon ka ng mga oportunidad upang umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-25-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mo, iyon ang mangyayari sa buhay mo. Tukuyin at huwag mo nang haluan pa ng mga pandekorasyon ang iyong mga salita. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-19-29-34-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-16-25-27-35-40.
Comments