top of page

Horoscope | Mayo 21, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 21, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 21, 2025 (Miyerkules): Iaangat ka ng iyong kapalaran sa mataas na level ng buhay, higit lalo kapag natagpuan kang nasa ibaba. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong intindihin ang mga nangyayari ngayon, bagkus tutukan mo ang hinaharap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-19-23-39-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Binibigyan tayo ng tuhod upang makatayo. Kaya naman ang mga kabiguan ay pansamantala lamang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-18-25-34-46.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang mangyayari sa iyo, dahil kulang pa ngayon ang kakayahan mo para humawak ng mga tao, pero ito mismo ang magiging papel mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-17-26-39-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mananatiling malakas ang karisma mo. Kung gagamitin mo ito, mabilis kang aasenso. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Gamitin mo na ito ngayon! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-16-20-24-35.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit malakas ang isang tao, manghihina pa rin ito kung pakikinggan niya ang kanyang damdamin. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-19-22-24-28-30-36.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling ibabalik sa iyo ng langit ang pagkakataong humawak ng mga tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-26-31-37-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang ganda mo para mabilis kang umasenso. Hindi para sa iyo ang payo na ang kagandahan ay para  lang sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-25-39-44.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magugulat kung ang mga taong tinutulungan mo ang makakahawak ng mataas na ranggo. Kumbaga, ngayon lang sila mahina, at darating ang panahon na hindi na sila muli pang aasa sa iba. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-24-30-35-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napansin mo ba na muli kang lumigaya? Ito’y dahil sa muli mo nang nakausap ang taong dati pa nagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-13-18-22-31.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magduda sa sarili mong kakayahan, sobra na ito upang umasenso ka. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay talunin ang iyong pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-27-29-32-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakapagtaka ang kapalaran mo dahil lagi kang mapapalapit sa mga taong may kaya at may mataas na posisyon o ranggo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-21-25-33.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon! Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontra nang kontra sa mga kagustuhan mo! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-22-28-38-42.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page