top of page

Horoscope | Mayo 17, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 17
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 17, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 17, 2025 (Sabado): Marami ka munang pagdaraanan bago mo makamit ang tagumpay. Gayunman, ang tagumpay na darating ay higit pa sa inaasahan mo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang susuko, bagkus ituloy mo lang ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-17-26-39-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalabas ngayon ang iyong tibay at katatagan. Kaya tiyak na mapapahiya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-28-33-42.

  

GEMINI (May 21-June 20) - Walang hindi namamahinga sa ibabaw ng mundo. Kaya magpahinga ka na muna. Sa pamamahinga, muling babalik ang lakas mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-14-23-33-38-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nakakaiyak ang mga pangyayari, kaya umiyak ka. Huwag mong labanan ang batas ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mahina. Ito ang dapat mong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-4-13-19-28-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang interesado, siya ang piliin mo. Huwag kang mag-aksaya ng panahon sa mga hindi naman pursigidong matuto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-23-31-40-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot, at huwag ka ring magpapatangay sa labis na kasiyahan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-7-18-20-25-30-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hamunin mo ang sarili mo! Ito ang sikreto kung paano mo makukuha ang pinakamalakas na kakayahan mo, at ito rin ang susi para hindi ka matalo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-16-22-27-32-39.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang hangganan ang pag-asenso. Kaya patuloy na tataas ang estado ng iyong buhay kung mangangarap ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-21-33-37-42.

  

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano lang ang kaya mo, iyon lang ang gawin mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-13-29-31-38-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumawa ka at ‘wag kang malungkot. Minsan, ang buhay sa mundo ay sadyang ganito. At bilang pagtatapat sa iyo, may lungkot sa mga mata at kilos mo, pero normal lang naman ito sa taong tulad mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-17-26-35-40-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong labanan ang taong mas malakas kesa sa iyo, bagkus magkunwari ka na lamang mahina. Sa ganitong paraan, tiyak na matatalo mo siya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-16-22-25-34-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page