top of page

Horoscope | Mayo 14, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 12, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2025 (Miyerkules): Magnegosyo ka! Ito ang batas ng iyong kapalaran. Sa pagnenegosyo, mas marami kang matutulungan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis ang mga kaganapan, kaya bilisan mo rin ang pagkilos nang sa gayun ay makasabay ka sa agos ng buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-29-33-40-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lagyan mo ng eksaktong halaga ang gusto mong kitain, lakihan at pagsikapan mo ito. Sa araw na ito, aalalayan ka ng langit at makakamit mo rin ang pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-23-37-40-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin mo na ang gusto mong gawin, pero ang payo ay dapat na makabuluhan ang iyong layunin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-9-14-19-27-30-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Pasasayahin ka ng langit at para kang bibiruin na aakalain mong hindi mo na makukuha ang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-17-22-29-32.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ayaw mo, mas marami ang magagastos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-25-28-31-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tutukan ang pagkakamali ng kapwa mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-9-14-23-26-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang larangan ng kabuhayan. Huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon sa kung anu-anong bagay upang hindi rin masayang ang araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-24-33-39

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa sama-samang pagsasaya. Sa ganitong paraan, mauunawaan mo na ang buhay sa mundo ay mas maganda pala. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-29-33-38-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itugma mo ang layunin mo. Mas maganda na magkaroon ng pagkakaisa sa iisang layunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-27-33-39-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magmumula sa ibang tao ang ilang suwerte mo, pero ang malalaking suwerte ay mula sa iyong sarili na likas nang masuwerte noon pa man. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-20-29-37-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag ka munang lumayo. Pero puwede kang mamasyal sa malapit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-28-31-37-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang gusto mo. Isa itong makabagong pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-7-19- 25-34-40.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page