top of page

Horoscope | Mayo 10, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 10, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2025 (Sabado): Handa kang tulungan at alalayan ng langit. Gayunman, binabantayan din Niya ang mga taong naghahangad na ika’y masaktan at mabigo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na para bang wala kang problema. Sa positibong pagkilos, gaganda at aayos ang mga ‘di kanais-nais na pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-26-32.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mainit ang sikat ng Haring Araw, pero ito ang magbibigay ng sigla sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.Tips sa lotto-6-15-21-23-37-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag sumugal ka, tiyak na mananalo ka. Sa katunayan, alam mo na rin naman na ang buhay ay isang sugal na kailangan makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-22-27-31-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Nasasalat ang tubig, subalit hindi ito nahahawakan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran, ngunit hindi ka puwedeng alipinin at pigilan ng iba. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-10-14-25-32-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang masusunod ngayon, kaya mag-utos ka. Pero puwede rin na  sumakay ka lang sa kagustuhan ng karamihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-18-28-39-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong malibang sa magandang takbo ng iyong negosyo. Sa mundo ng pagnenegosyo, dapat alerto ang mga negosyante. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-25-27-34-38.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag malakas ang puwersa sa loob, maaaring mawasak ang isang bagay. Kaya naman ingatan mo ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-15-22-30-35.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iniisip mo lang na mahina ka. Kaya mas maganda kung iisipin mong malakas ka upang matalo mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-21-29-33-36.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sasaluduhan ka ng marami dahil mareresolba mo na ang malaking problema. Masuwerteng kulay-green Tips sa lotto-5-15-26-37-39-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangan mong akyatin ang matamis na bunga. Hindi mo ito puwedeng hintayin kung kelan ito mahuhulog sa harapan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-19-28-38-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang basta maniniwala. Minsan ka nang nagkamali at hindi na dapat ito muling maulit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-23-25-36-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumapit ka at huwag kang bibitaw sa mga aral ng buhay. Ano pang hinihintay mo? Kumilos ka na para umunlad na rin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-22-35-37-44.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page