Horoscope | May 9, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 9, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 9, 2023 (Martes): Hahanga sila sa taglay mong lakas ng loob, at higit ka nilang hahangaan dahil matagumpay mong maaabot ang iyong pangarap. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Kung ang inaakala ng iba na mananaig sila laban sa kagustuhan mo, nagkakamali sila dahil langit mismo ang kikilos para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Buksan mo ang iyong sarili sa maaaring magpaunlad sa buhay mo. Huwag mong isara ang pintuan sa magagandang oportunidad na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-26-28-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Bakit nagsasayang ka ng lakas at oras sa mga bagay na magkasalungat? Tumutok ka sa iyong pangarap at ‘di sa pangarap ng ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-24-25-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ipagkakaloob sa iyo ng langit ang dagdag na tapang. Huwag mo itong sayangin. Ituon mo ang iyong sarili sa pagpapaunlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-25-27-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka pa ng pabigat sa buhay. Matuwa ka kapag nagtampo sila dahil ‘di mo sila napagbigyan. Ito ang lihim mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-22-26-27-30-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Uutusan ka ng iyong isip na sunggaban ang oportunidad na nasa harapan mo, ngunit ang iyong katawan ay mag-aalinlangan. Mananatili kang ganito dahil wala kang inspirasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-21-25-27-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamahinga ka kahit ‘di pa tapos ang iyong gawain. Sa pamamahinga, babalik ang iyong lakas at mas madali mong makakayanan ang mabibigat na obligasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-24-27-30-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huminahon ka dahil ‘di mo kailangang ipakita na matigas ka. Kung magiging mahinahon ka, ang lahat ay kusang aayos at mapapakinabangan ng lahat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-21-28-30-31-32-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, kahit tumigil ka sa pagsisikap, ang buhay ay patuloy pa rin sa pag-unlad. Nangyayari ito kapag huminto ka ngunit mananatili kang positibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-22-24-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kani-kanya lang ang buhay ng tao, kaya ‘wag mong pansinin ang mga pakialamera. Kung ano sa tingin mo ang magpapasaya sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-16-26-28-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Giginhawa ang iyong pakiramdam at mawawala ang lungkot na iyong nararamdaman kung susubukan mong gawin ang mga bagay na ‘di mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-26-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sa una ay nabigo ka, ‘wag kang panghinaan ng loob at magtangkang umayaw dahil ang kabiguan ang nagtuturo ng dapat gawing pagbabago. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-18-20-24-25-34-36.




Comments