Horoscope | May 6, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 6, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2023 (Sabado): Kung maganda ang pipiliin mo, ganundin ang mangyayari at ipagkakaloob sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat mag-alinlangan sa iyong kakayahan. Makukuha mo ang gusto mo, magtiwala ka lang at ‘wag mag-aalinlangan. Ito ang paalala sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Para sa iyo ang araw na ito. Sabihin mo sa langit ang iyong gusto sa buhay. ‘Wag mo nang habaan ang paghiling dahil tiyak na ito ay ipagkakaloob naman sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-23-28-31-38
GEMINI (May 21-June 20) - Balikan mo ang mga karanasang ika’y nabigo at nasaktan. Dahil dito, may makukuha kang mga aral sa buhay na magagamit mo upang mapaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-26-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating na muli ang araw na malakas ang iyong karisma na parang mayroong gayuma. Pero mag-ingat ka dahil maaakit mo ang mga wala nang karapatan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-27-38-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka sa tukso dahil mahina ka ngayon. Balikan mo ang iyong karanasan na nahulog ka sa tukso, ngunit sa huli ay natauhan ka. Ito ang mensahe para sa iyo Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-29-34-39-41-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang malito. Kailangan ng tao ang inspirasyon, pero ang hindi niya kailangan ay ang magpapabigat sa kanya na lalo siyang mahihirapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-22-36-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masuwerte ka ngayon. Alam mo kung sino ang mamalasin? Walang iba kundi ‘yung mga taong walang iniisip kundi ang mabigo ka. Oo, sila ang maghihirap at magkakasama silang mapapahiya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-23-37-38-41
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakakaba ang araw na ito para sa iyo. Gayunman, ang mga kaba na hindi mo maintindihan ay nagpapahiwatig na mahaharap ka sa mga palaisipan ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-29-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi totoo na kaya mong mag-isa na magsikap dahil kailangan mo rin ng paghuhugutan ng lakas. Ito ang kailangan mo at ito ang iyong hanapin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-17-21-27-41-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalita ang araw na ito na malayo ang hinahanap mo. Kaya dapat kang lumabas ng bahay at makipagsapalaran upang ang magandang kapalaran ay tuluy-tuloy nang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-21-25-26-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ibahagi mo sa iba ang pagmamahal mo. Kapag hindi mo ipinagdamot ang pagmamahal sa taong gustung-gusto ka, makikita mo ang suwerte at magandang kapalaran na agad mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-15-18-35-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang pagkakataon mong matakasan ang nagpapahirap sa iyong kalooban. Lakasan mo ang iyong loob dahil bihira kang magkaroon ng pagkakataon para rito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-25-31-37-40.




Comments