top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | May 5, 2023 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 5, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 5, 2023 (Biyernes): Magiging mabilis ang iyong pagyaman kung hahayaan mo ang lakas ng loob na maghari sa bawat nais mong gawin, lalo na sa negosyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Taglay mo ngayon ang talas ng isip upang masolusyunan ang mga suliraning kinahaharap mo at makatagpo ka ng magagandang ideya na pakikinabangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-20-24-27-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatangayin ka ng isang nagsisikap, hihilahin ka niya para sabay kayong umasenso. Hindi ka dapat tumutol dahil ito ang pagkakataon mo para tuluy-tuloy kang umunlad at lumigaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-23-30-41-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Aayon sa dati mong plano ang pangyayaring magaganap sa mga susunod na araw. Ngunit ang tungkol sa walang kaugnayan sa kabuhayan ay hindi aayunan ng kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-25.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas sa masasayang nangyari sa buhay mo. Ito ang iyong panlaban sa hindi magagandang nararanasan at nararamdaman mo ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-16-18-28-30-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Madali ka ngayong mapaniniwala ng mabibilis magsalita. Kung hindi ka mag-iingat, huli na bago mo mamamalayang ikaw ay naloko. Kaya ang pinakamabuting dapat mong gawin ay mag-ingat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-17-21-25-27.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo nang mabilis. Kapag ‘di mo agad ginawa, malabong magawa mo pa ito kahit kailan. Ganito ang madalas na pagkakamali mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-21-27-34-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang iyong piliin. Huwag mong dayain ang iyong sarili sa mga ‘di talaga maganda sa paningin at hinahanap mo pa ng paliwanag at katwiran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-28-29-31-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kulang ka sa bilis kaya nauunahan ka ng iyong mga karibal. Maging mabilis ka at mauunahan mo sila dahil sila ay sobrang bagal at maraming iniisip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-27-36-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagal ang tao kapag iniintindi niya ang hindi niya dapat pasanin at sa huli, hindi niya kayang paunlarin ang kanyang sarili. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-22-24-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyang luwag mo ang iyong sarili, magsaya ka. Sa pagsasaya at paglilibang, gumiginhawa ang pakiramdam. Ang maginhawang pakiramdam ay humihigop ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-27-28-30-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hanapin mo ang pagbabago dahil nasa pagbabago ang pagganda ng buhay. Hindi puwede na manatili ka sa walang pag-usad ng kapalaran. Ito ang iyong isipin ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-22-25-26-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang patutungahan ang walang pangarap. Walang mapapala ang nakikisakay lang sa agos ng buhay. Sa ngayon, kailangan mong magkaroon ng pangarap at dapat mong pilitin na maabot ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-30-33-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page