Horoscope | May 4, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 4, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 4, 2023 (Huwebes): Dahil sa iyo, nagbago ang buhay ng marami. Ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay pagbabago papunta sa pagganda, paglago at pag-unlad ng buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ang hatid ng mga palakaibigan, masayahin at palabigay. Dumikit ka sa kanila nang sa gayun ay buwenasin ka. Ganu’n kasimple ang kailangan mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-12-28-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nananariwa ang halaman kapag dinidiligan. Diligan mo ng pagmamahal at lambing ang iyong karelasyon nang magbalik ang maganda ninyong pagsasama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-18-20-21-26-37
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga iyakin, paladaing at taong negatibo. Puwede kang mahawa sa pangit nilang kapalaran at pagkatao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-21-24-26-33.
CANCER (June 21-July 22) - Manindigan ka, ‘wag ‘yung sunod ka lang nang sunod. Walang kalayaan ang palaging tagasunod. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-15-27-28-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong akalain na pumapangit ang iyong kapalaran. Nangyayari ang ayaw mong mangyari, ngunit dahil dito ay mas gumaganda ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-10-22-23-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mong lumipas ang mga kaganapan dahil kahit kailan, totoo ang sinasabing lumilipas ang lahat ng bagay. Sa paglipas nito, may mga bagong kapalaran at mas masasayang kaganapan ang parating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-21-28-31-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Panoorin mo lang at huwag kang magbigay ng opinyon sa kilos ng iyong mga kaibigan. May puwede kang pakinabangan dahil may makukuha kang ideya na magagamit mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-14-15-28-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kalimutan mo ang iyong naiisip na paghihiganting ‘ngipin sa ngipin at mata sa mata.’ Mas magandang manahimik ka kaysa sa mapaaway sa wala kang mapapalang maganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-16-25-26-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Anuman ang nangyari sa nakaraan, ‘wag kang manghinayang dahil sa susunod na araw, may mas magandang kapalarang may kaugnayan sa damdamin at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-19-21-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatagin mo ang iyong sarili. Mas makabubuti sa iyo na maging masinop at mapagpahalaga sa mga hawak mo na. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-29-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakadala ang pangit na karanasan, pero may aral na napapala. Ang mga aral na ito ay tiyak na mapapakinabangan sa ibang mga araw. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-16-22-25-26-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Huwag mong intindihin ang mga kontrabida. Mas sumasaya ang tao kapag malaya niyang naipapakita kung sino at ano siya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-17-27-28-33.




Comments