Horoscope | May 31, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 31, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 31, 2023 (Miyerkules): Nakatutuwa ang iyong kapalaran, dahil may suwerte kang ipapamahagi para sa mga taong maganda ang pakikitungo sa iyo. Magandang kapalaran din ang hatid mo sa mga nag-aakalang sila’y pinagdadamutan ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Dahan-dahan na pagsasalita ang maglalayo sa iyo sa malaking gulo at ito rin ang magbubukas sa iyo ng isang magandang oportunidad upang ika'y umunlad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-13-22-23-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hayaan mo na magsalita nang magsalita ang iyong pinaghihinalaan. 'Ika nga nila “Nahuhuli ang isda sa sarili niyang bibig” Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Pakitaan mo ng maganda ang nagagalit sa iyo, magugulat ka dahil sa huli ay kayo pala ang itinadhana. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-20-29-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag napansin mong mabilis ang kilos ng malalapit sa iyo, ibig sabihin, mabilis ding darating sa buhay mo ang matagal mo nang hinihintay na suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-29-30-39-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Babalik sa iyo ang magagandang bagay na ginagawa mo sa nagdaan. Ang higit mong ikatutuwa ay mas maraming magdaratingan suwerte na ikauunlad mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-25-28-37-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paglumilipad ang ibon, gumagalaw ang sanga at dahon, sumasarap din ang ihip ng hangin. Hayaan mong umalis ang aalis, makikita mo, giginhawa ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 13-16-22-29-31-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag sugod nang sugod. Ang iyong mga naranasang kalungkutan at kabiguan ay dahil sa lakas ng iyong loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-25-33-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang natutunaw ang halo-halo, mas lalo itong sumasarap. Matutunaw ngayon ang ilang bahagi ng matigas mong puso at ang kaligayahan ang kapalit nito. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-4-11-17-22-27-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap paniwalaan na ang suwerteng pormula para sa pag-asenso ay nasa problemang iyong kinakaharap ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-11-1-26-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na kusang lalapit sa iyo ang suwerte. Iwasan mong magpakita na ikaw ay hindi mahilig sa pakikipagkaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-30-31-32-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na dapat limitahan mo ang iyong masayang aktibidad. Oo, dapat na magpahinga ka dahil mas maganda ‘pag ang iyong kalusugan ay iniingatan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-23-27-35-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong awatin ang iyong sarili na pumunta sa malayong lugar, ngunit kailangan mo itong paghandaan bago mo gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-36.




Comments