Horoscope | May 31, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 31, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 31, 2021 (Lunes): Kahit ano ang pangarapin mo, ito ay tiyak na makukuha mo. Huwag mong kalimutan na kapag nangungulit ka, bumibigay maging ang mismong langit sa kagustuhan mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka muna sa mga mahirap maunawaan. Bukod sa masasayang lang ang oras mo sa kanila, masisira rin ang araw mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-20-25-30-32-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang gusto mong baguhin, ‘wag mong baguhin dahil lamang sa mga negatibong pananaw na ipupukol sa iyo. Ituloy mo lang ito dahil nasa tamang landas ka ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-24-39-40-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka. Huwag mong intindihin ang mga humahadlang sa iyo. Hayaan mo sila dahil sa totoo lang, kasama sila sa mga plano mong mabiyayaan ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-23-25-28-30-33-38.
CANCER (June 21-July 22) - Kontrolin mo ang iyong emosyon, lalo na ang sama ng loob mo sa isang tao. Dahil kahit ang mga mahal natin sa buhay ay nakagagawa ng ikasasakit ng ating kalooban. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-29-31-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag maraming dala-dala, mabagal. Magbawas ka ng pasanin. Mas maganda na dumami muna ang iyong kabuhayan saka mo tulungan ang mga gusto mong tulungan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-32-38-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, parang ang lahat na lang ay nakakontra sa iyo at ito ang mararanasan mo ngayon. Huwag kang bibigay dahil hindi lang nila nauunawaan ang iyong sitwasyon at ang iyong magandang layunin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-28-34-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Patuloy na gaganda ang buhay mo. Makakaasa ka na hindi pa hihinto ang pagdating sa iyo ng mga bagay na ikasisiya ng iyong kalooban. Tiwala lang sa kapalaran ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-22-25-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huhusgahan ka ng malalapit sa iyo, pero may maganda ka ring makukuha sa sasabihin nila. Kahit ganu’n sila, hindi mo rin kaya na wala sila sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-22-28-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dahan-dahan lang, sapagkat ang kumikilos nang marahan, nakikita ang mga dapat gawin. Pero ang kumikilos nang mabilis, nadadapa at huli na bago matauhan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-21-23-25-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabihin mo nang sabihin ang gusto mong sabihin kapag nagagalit ka. Dahil ang totoo, kapag hindi ka galit, tahimik ka lang na parang isang tupang masunurin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto- 4-15-25-26-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Buhatin mo ang pasanin ng mahal mo sa buhay. Tinutulungan mo ang ibang tao kaya mas maganda na tulungan mo rin ang malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-11-16-29-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas ang bagsak ng nagmamataas. Ito mismo ang masasaksihan mo ngayon, kung saan ang mga nag-aakalang abot nila ang langit ay makararanas ng masaklap na kahihiyan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-25-29-30-33.




Comments