top of page

Horoscope | May 30, 2023 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 30, 2023


Sa may kaarawan ngayong Mayo 30, 2023 (Martes): Hindi ka mabibigo sa buhay. Ang mabibigo ay ang mga lihim na naghahangad na hindi mo maaabot ang iyong mga pangarap. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka kokontrahin ng langit sa mga balak mong gawin, ngunit ang iyong sarili mismo ang kokontra sa iyo. Hindi ka dapat maging negatibo. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-15-27-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong kalimutan na ituloy ang pag-e-exercise. Higit kailanman, ngayon mo kailangan mabanat ang iyong mga kalamnan ng manariwa ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-25-26-35-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Mag-aalingan ka sa mga susunod na araw. Ang pag-aalilangan mo ay nakaangkla sa iyong bilis. ‘Wag kang mag-alala, dahil mataas ang tsansang ikaw ay magtagumpay! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-17-28-30-32.

CANCER (June 21-July 22) - Ididikit ka ng langit sa mga taong angat sa buhay, nang sa gayun makabahagi ka ng magandang kapalaran na iyong matatamasa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-21-22-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lihim na susuko sa iyo ang mga kaaway mo dahil ramdam nila na kahit ano ang gawin nila patuloy pa rin na gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-25-26-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nag-iisip ka na naman? Magbalik-tanaw ka sa sarili mong buhay. Hindi mo ba napapansin, bumabagal ang ikot ng mundo dahil sa sobrang pag-aalinlangan mo? Ang kailangan mo ay ang kumilos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-20-22-24-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papalakas ang dating ng suwerte sa iyo. Samantalahin mo ito. Makipagsapalaran ka upang maiabot ang nais mong marating at ‘wag kang mag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-21-24-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Dumikit ka sa mga magaling at malakas. Dahil maaaring mailipat sa iyo ang kanyang positibong puwersa. Mahahawa ka sa magagandang nangyayari sa kanila. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-14-15-23-36-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyo ang araw na ito. Hawak mo ang iyong kapalaran. Gawin muna ang nais mong gawin. Ang huwag mo lamang gagawin ay ang pagtunganga. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-21-27-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang masuwerteng araw para humingi ka ng pabor sa mas nakatataas sa iyo. Kinikilala nila ang taglay mong husay, kaya maliit ang tsansa na ikaw ay tanggihan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-28-35-36-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabihin mo, kung ano ang iyong nais. Kahit pa na ito ay marami at iba-iba, makakaasa ka, lahat ay magpapasaiyo, dahil ibibigay ito ng taong ayaw na mawala ka sa buhay niya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-23-24-25-34-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Mag-aalinlangan ka sa sarili mo. Pero kikilos ang kapalaran mo at magkakaroon ka ng kumpiyansa. Kaya mauunawaan at matutuklasan mo na ang pag-aalinlangan mo ay walang basehan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-20-26-27-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page