top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | May 3, 2024 (Biyernes)ang mensahe ng iyong kapalaran.

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 3, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 3, 2024 (Biyernes): Aangat ang buhay mo kaysa sa iba at aangat pa ito dahil ikaw ay isinilang para sa mataas na kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang ginagawa mong pagsisikap kahit nahihirapan ka. Lahat naman ngayon ay hirap, pero sa sitwasyon mo, mas makakaabante ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-15-21-29-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang masarap kasama, roon ka. Sa ganitong paraan, hindi mo gaanong iindahin ang kahirapan. Kaya mas maganda rin na lumayo ka sa mahihirap kausap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-11-24-33-40-45. 


GEMINI (May 21-June 20) - Kikiling sa iyo ang may mataas na ranggo. Pero huwag mo itong samantalahin, maganda na parehas pa rin ang magiging kilos mo sa harap ng mga sumasalungat sa paninindigan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-19-23-29-44.


CANCER (June 21-July 22) - Bago ka magpasya, hingin mo muna ang payo ng malalapit sa buhay mo, para hindi na maulit na nagpasya ka gamit ang emosyon mo at sa huli ay nagsisisi ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-24-26-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Wala sa paramihan ng bilang ng kabuhayan ang basehan kung sino ang dapat mong piliin. Mas magandang pagtuunan ng pansin ang ugali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-19-24-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makisali sa hindi mo lubusang nalalaman ang puno’t dulo. Pag-aralan mo muna ang panig ng bawat isa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-17-23-31-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumilipas ang lahat dito sa mundo. Palipasin mo na ang galit mo, dahil wala ka na rin namang magagawa kundi magpatawad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-23-30-36-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumarami ang mga taong puwedeng makatulong sa iyo. Ang iba ay hindi sa materyal na mga bagay ngunit malaki ang maitutulong nila para sumaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-18-27-33-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-utos ka at tiyak na susundin ka nila. Muling magbabalik ang araw na ikaw ay susundin ng mga nasa paligid mo dahil sa pagsunod nila sa iyo, sila ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-16-24-32-37-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon na magsisimula ang pagganda ng takbo ng kapalaran mo. Sisikat ang iyong araw tulad ng pagsikat ng Haring Araw sa silangan. Kumilos ka at dapat ngayon na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-22-26-34-40. 


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hingin mo ang gusto mong hingin pero hingin mo ito sa taong nagpaparamdam sa iyo ng pagtingin na may kakayahang ibigay ang iyong hinihingi. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-18-25-28-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka, dahil muling manunumbalik ang mga araw kung kailan ang mga kontrabida sa buhay mo ay mahihina at walang kakayahang labanan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-16-23-30-34.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page