Horoscope | May 3, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- May 3, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 3, 2023 (Miyerkules): Kusa kang iaangat ng iyong kapalaran sa mas matataas na puwesto kahit kinakabahan ka at nag-aalinlangan sa iyong sarili. Ang totoo, ikaw ang magiging huwaran ng mga nasa ibaba at itataas ka pa ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong maramdaman ng iyong kapwa na alam mo ang kanilang kahinaan, kaya hindi sila makaabante sa buhay. Hindi lahat ng katotohanan ay kailangan pang sabihin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-29-20-21-24-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sundin ang payo na ang tao ay dapat makuntento. Ibig sabihin, habang dumarating ang magagadang oportunidad, mag-ipon at magpundar ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-17-22-24-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbubukas pa ang maraming oportunidad na sa biglang tingin ay madaragdagan ang iyong yaman. Hindi ipinapayo na magbago o magpalit ka ng kasalukuyang pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-25-27-30-36-38.
CANCER (June 21-July 22) - Naglalapitan ang magagandang pagkakataon dahil gusto ng langit na maiba ang iyong pananaw. Gaganda ang buhay kapag pangkabuhayan ang iyong tinutukan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-24-28-30-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag alam mo na angat ka, bumaba ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran upang magtuluy-tuloy ang pagdating sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach Tips sa lotto-15-17-22-25-28-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maiiwanan mo ang mga nasa paligid dahil sa dami ng iyong kaalaman. Puwede ka nilang iwanan nang milya-milya dahil mas kumikilos sila. Pero ‘pag ikaw ang kumilos, ikaw ang mananalo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-23-33-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami pang magagandang bagay na puwedeng mapasaiyo. Tiwala lang sa sarili ang kailangan mo, kaya kahit kailan, hindi dapat makasingit ang pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-15-24-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Hindi puwedeng wala kang gagawin dahil kung ganu’n ay wala ring mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-17-27-29-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Talo mo ang lahat ng iyong kakumpitensya. Pero puwede ka nilang masingitan kung hindi ka makikipaglaban. Ang payo ay huwag mong atrasan ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-13-15-28-31-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat masiyahan sa gumagandang takbo ng mga pangyayari. Ang kasiyahan ay dapat madama pagkatapos makuha ang mga pinapangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-20-25-26-29-30-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagdaratingan ang makikislap na senyales para sa iyong magandang kinabukasan. Magpalakas ka na, ibig sabihin, ibasura mo ang iyong mga kahinaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-21-27-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nililinis ng iyong kapalaran ang mga banta na sisira sa iyong mga pangarap. Hindi mo man ito maunawaan, kailangan mo itong tanggapin nang bukal sa loob dahil para sa iyo ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-25-28-38-39.




Comments