top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | May 29, 2021 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 29, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 29, 2021 (Sabado): Hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Paulit-ulit nitong pagagandahin ang buhay mo kahit nagkakamali ka at naliligaw ng landas. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpapakita ka ng kabaitan sa iyong kaaway. Magugulat siya at hindi makakapaniwala na sa huli, kayo ay magiging sobrang malapit sa isa’t isa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-26-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumibo kapag may magpapakita sa iyo ng hindi maganda. Tulad ng dati, kapag nanahimik ka sa kabila ng mga intriga, sa huli, ikaw din ang nananalo at masaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-28-29-35-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa kapwa ang ilang grasya na sumasaiyo. Sa ganitong paraan, mas madaragdagan pa ang mga biyayang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-25-33-36-38.


CANCER (June 21-July 22) - Sino ang masuwerte ngayon? Walang iba kundi ikaw. Gayunman, ang mga inggit sa iyo ay mas marami kaysa noon dahil marami rin ang hindi susuwertehin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-29-31-32-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang matitinag, lalo na sa harap ng nagkukunwaring nakakaawa. Higit mong pahalagahan ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-29-30-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahina ang iyong kalusugan kahit pa ayon sa iyo ay nakadarama ka ng sigla. Hindi makabubuti sa iyo ang magtiwala sa sarili mong pandama. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-20-22-28-34-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumikit ka sa alam mong mas magaling kaysa sa iyo. Ito ay dahil may makukuha kang kakaibang suwerte mula sa kanya na magdadala sa iyo ng pag-unlad sa kabuhayan at katatagang pampinansiyal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-18-27-28-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang magagandang pagbabago sa kapalaran mo kung saan maglalaho ang mga nagpapahirap sa iyong damdamin. Ngayon din ang simula ng iyong tuluy-tuloy na pagyaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-14-16-25-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-alala, alisin mo ang iyong takot na wala namang batayan kundi ang mga negatibong pananaw na nasa isip mo lang naman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-24-27-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papasanin ng iba ang mga pasanin mo sa buhay dahil nakita ng langit na sadyang ikaw ay nahihirapan at nawawalan na ng pag-asa. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-22-24-26-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong ikagulat ang mga biglaang pagbabago sa buhay mo. Dapat ay matagal nang nagsimula ang mga ito, ngunit naaantala dahil matigas ang paninindigan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-29-30-31-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huhusgahan ka ngayon ng iyong kapwa. Pero ang huhusga sa iyo ngayon ay huhusgahan din ng langit at makakatikim sila ng kamalasan dahil sila’y mapanghusga. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-20-22-27-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page