Horoscope | May 28, 2023 (Linggo)
- BULGAR
- May 28, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 28, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 28, 2023 (Linggo): Oo, masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Ingatan, mahalin, at sinupin mo ang mga suwerte upang mas lalo itong lumago at hindi ka magsisi sa huli.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papasayahin ka ngayon ng iyong kapalaran, ngunit kailangan mo pa rin ang magsumikap upang makamit mo ang iyong ambisyon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-20-24-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumakad ka ngayon sa loob ng iyong bahay ng walang sapin sa paa. Kapag ginawa mo ito, ang mga suwerte ay nagdadagsaan sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-29-30-32-42.
GEMINI (May 21-June 20) -Huwag kang mag-alala. Wala ka rapat ipangamba kapag napansin mong tinatanggay ka ng sarili mong bilis. Maiiwanan mo ng milya-milya ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto- 18-22-27-36-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Sakyan mo lang ang masasayang nangyayari sa buhay mo. Huwag maging negatibo. Masaya ka nga, ngunit negatibo naman ang iyong iniisip. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-23-24-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madadagdagan pa ang mga suwerte mo kung ibabahagi mo sa mga taong kapus-palad ang suwerteng dumadating sa iyo. Kapag nagawa mo ito, magugulat ka, dahil ang idagdag sa iyo ng langit ay sobra-sobrang suwerte at biyaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-21-25-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng inspirasyon mula sa iyong mamasayahing kaibigan. Kapag inspirado ang isang tao, wala siyang hindi kaya gawin, kahit na mahirap pa ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto- 11-15-16-27-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Oo, puwedeng maging masaya kahit na nag-iisa. Pero kailangang malaman mo na iba ang sayang nadarama kapag may kasama. Huwag masanay na nag-iisa sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-13-27-32-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo sa ngayon dahil kung sino ang nanghusga sa iyo, sila ay huhusgahan din ng langit at ang hatol sa kanila ay paatrasin ang kanilang mga suwerte, Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-24-28-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) -Aangat pa ang buhay mo kaya darami rin ang mga ma-iinggit sa iyo. Dapat lihim kang matuwa dahil hindi kinaiinggitan ang walang kuwenta ang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 15-16-19-21-25-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paulit-ulit lang ang mga pangyayari rito sa ating mundo. Ibinabalita sa iyo ng iyong kapalaran na muling mauulit ang panahon na ikaw ay binubuwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-27-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na kung saan ay makakadama ka ng hindi mo maipaliwanag na lungkot. Ito ay susundan ng pagdating ng mga sorpresa sa buhay mo na magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-12-28-30-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa iyo ang araw na ito, sa sinumang magtatangka na sirain ang araw na ito, sila ay walang pagdududa na makakaranas ng mga pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-25-26-33.




Comments