top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 27, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 27, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 27, 2021 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na hindi ka matatalo ng anumang hamon ng kapalaran kapag ikaw ay nagpasya na lumaban.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang araw na ito at mga araw na darating na ang katuparan ng iyong mga ambisyon ay magkakaroon na ng linaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-23-27-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag naduwag ka, talo ka. Hindi ka dapat pagharian ng mga negatibong pananaw. Sa ganitong sitwasyon, tiwala sa sarili at tapang ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-16-20-28-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang mapasasaiyo kung itutuloy mo ang mga plano mo. Ang kailangan mo lang ay sundin ang mga detalye. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-22-24-39-40.


CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang tapang ang iyong madarama. Mas magandang gamitin ito sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Hindi makagaganda para sa iyo kung sa ibang bagay mo ito gagamitin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-8-14-21-26-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masamang magtanong dahil ang masama ay ang magdunung-dunungan. Bago ka kumilos, kailangang sapat ang iyong mga kaalaman. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-25-28-38-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo ang nangangailangan at ang mga kapus-palad. Huwag mo nang pahalagahan kung anong klase silang mga tao. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit at ikaw ay pagpapalain. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-25-27-37-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nakaranas ka ng matinding pagkontra sa kagustuhan mo, lihim kang matuwa dahil ito mismo ang kondisyon bago dumapo sa iyo ang malalaking suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-19-23-39-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung may kita, okey na! Kumbaga, kahit maliit lang ang garantiya, puwede na. Sa panahon ngayon ng katumalan, ito ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-16-24-33-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ang masusunod ngayon. Hindi puwede na ikaw ang sumusunod. Huwag mong sayangin ang magagandang pagkakataong ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-25-26-34-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapasasaiyo ang gusto mo kapag naging makulit ka. Nakagugulat dahil makikita sa iyo na ang tigas ng ulo ay napakikinabangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-15-24-28-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sabay-sabay na dadapo sa kapalaran mo ang iyong mga suwerte. Huwag mong kalilimutan na ang mga biyaya ay iniingatan at pinahahalagahan at hindi sinasayang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-21-26-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaaring hindi mo gusto na pangunahan ka, pero kung sino ang palaging nangunguna sa pagpapasya mo, siya mismo ang may dalang suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-29-34-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page