top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | May 26, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 26, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 26, 2023 (Biyernes): Kung sino ang iyong makagaanan ng loob siya ay susuwertihin. At kung sino rin ang iyong pagmalasakitan, siya naman ay papalarin. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Papatatagin ka ng iyong kapalaran upang maihanda ka sa malalaking suwerte na noon pa inilaan sa iyo ng tadhana. Ito ang mensahe ng kapalaran mo para sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-17-20-24-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong kontrahin ang takbo ng iyong kapalaran. Kailangan maranasan mo na ang bawat hirap ay may kaakibat na kaginhawahan. Ito ang mensahe sa iyo para sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-24-28-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang dating ng mga suwerte sa iyo, ngunit sa katunayan ay kumukuha lang ito ng buwelo upang tuluyang sumuko ang mga nagpapahirap sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-18-24-29-33.

CANCER (June 21-July 22) - Masyado kang nagdadalawang isip. Hindi makakabuti sa iyo na ikaw ay gan’yan. Dahil kahit ang magagandang bagay na parating sa iyo ay pinagduduhan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-21-28-30-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Limitahan mo iyong pagtulong. Kung ano ang kaya mo iyon lang ang ibigay mo. Huwag ka nang gumawa ng paraan upang sila’y mapagbigyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-24-27-30-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka man mahilig sa palamuti, ikaw pa rin ay pinapayuhan na magsuot ng alahas. Dahil kapag may suot ka nito, ang mga suwerte ay dadapo sa iyo ng mabilis. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-15-27-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka ba nagtataka na tila ba’y hindi nauubos ang mga suwerteng dumadating sa iyo? Dahil ang langit ang nagpadala nito upang ika’y lumigaya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-17-25-28-32-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Kaya kung nag-aalinlangan ka, alisin mo na ‘yan sa isip mo. Dahil anuman ang gawin mo ngayon, tiyak na ikaw ay magwawagi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-12-21-27-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi tama na lagi kang nagmamatigas. Minsan mas mabuting sumunod ka sa payo sa iyo ng mga mahal mo sa buhay. Ito ang araw na kailangan mong sumunod sa kanila, at ito rin ang araw na magsisimula na ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto -18-20-26-27-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyo ang araw na ito, kaya huwag mong sayangin. Ngayon mo gawin ang matagal munang balak na magsimula ng negosyo. Makakaasa ka na ito ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-28-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumanat ka at kapag ginawa mo ito, tiyak na susuko ang iyong mga kalaban. Ngayon ka rapat lumaban dahil mahina ngayon ang puwersa ng mga kontra-bida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-29-30-31-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Manahimik ka, kahit na masama ang iyong loob. Dahil ‘di ka makakapaniwala na tuluy-tuloy papasok ang suwerte at magagandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-16-27-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page