top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 26, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 26, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 26, 2021 (Miyerkules): Mapasasaiyo ang sarap ng buhay na nagsasabing ikaw ay sobrang yayaman. Hindi mahalaga kung maniwala ka o hindi. Ito ay mangyayari dahil nakatakda.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong sayangin ang iyong magagandang katangian. Ilabas mo at makikita mong anumang gusto mo sa ibabaw ang lupa ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-25-30-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi lang pagdating ng bagyo ang pinaghahandaan dahil kailangan din ng preparasyon sa pagsapit ng masaganang anihan. Darating na ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-14-23-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Napansin mo ba na umaawit ang mga ibon kapag maganda ang panahon? Kusa ka bang napapaawit? Ito ang malinaw na palatandaan na ikaw ay susuwertehin. Makipagsapalaran ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-28-33-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang kayanin mo. Ganu’n nang ganu’n at magugulat ka dahil dadaigin mo ang may kakayahan pero hindi naman kumikilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-18-25-38-44-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakasisilaw ang kinang ng ginto. Iwasan mong masilaw sa sarili mong liwanag. Ibig sabihin, ang magandang kapalaran mo ay puwedeng magpabagsak sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-24-31-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nakarinig ng kakaiba na naaalarma at naiintriga ang tenga, hindi ka dapat maakit ng may kakaibang pagkilos at pagsasalita ng nakapagpapasaya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-24-26-34-38-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi makabubuti sa iyo ang biglaang pagpapalit ng hanapbuhay. Bago mo gawin, dapat may preperasyon ka dahil maraming problema ang masasagupa sa muling pagsisimula. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-21-22-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas sinisisi natin ang ating kapwa kapag tayo ay nabibigo at nasasaktan. Ang totoo, tayo mismo ang may kasalanan. Tanggapin mo ang katotohanan at gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-20-29-30-41-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaibang saya ang nadarama ng nakakita ng bulalakaw. Sapat na ang munting saya para magawa ang mga hindi nakayang gawin sa nakaraang mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-14-26-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong paniwalaan ang wala namang patunay. Ang hinala, kaya nagiging masama ay dahil likhang-isip lang. Bago magpasya, mas magandang mag-obserba ka muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-16-20-21-25.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madalas nasa tabi-tabi lang ang suwerte kaya ang nag-aakalang minamalas siya at naghahanap ng suwerte sa malayo ay lalo pang mabibigo. Oo, nasa katabi mo lang ang iyong suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-16-27-34-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ituloy mo ang iyong pagsisikap upang matupad ang ambisyon mo. Ang ambisyon ay hindi tulad ng hinihintay lang na mahulog ang hinog na bunga sa bunganga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-28-30-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page