Horoscope | May 25, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 25, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2023 (Huwebes): Nasa malayong lugar ang iyong suwerte. Hinihintay ka nito kaya umalis ka na sa bayang sinilangan mo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mataas ang iyong imahinasyon. ‘Wag mo itong gamitin sa mga walang kuwentang bagay, mas makakabuti kung itututok mo ito sa pagpapaunlad ng negosyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-26-29-30-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang negatibong pananaw mo ay paniniwalain ka sa mga bagay na malabong mangyari. Hawakan mong mabuti ang iyong sarili mo upang ‘di ka matalo ng mga negatibong pananaw mo. Masuwerteng kulay- black. Tips sa lotto-4-19-21-28-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka ayon sa nauna mong plano. Hindi ka rapat matukso na baguhin ito. Dahil dito magmumula ang mga suwerteng inaasam mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-21-25-29-33.
CANCER (June 21-July 22) - Tamang hinala ang maaaring magpagulo sa masayang kalagayan mo. Kaya ang payo sa iyo, iwasan mong maniwala sa mga naririnig at nababasa mo na walang sapat na batayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-17-26-27-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang mag-iisip ng masama base sa ikinikilos mo dahil aakalain nila na hindi ka seryoso pero ang totoo, nililibang mo lang ang iyong sarili upang mapagaan ang bigat na iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-25-28-30-31-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli, kung may makita kang hindi kanais-nais, sarilihin mo na lang. Hindi sa lahat ng oras ay dapat na ilantad mo ang kanilang mga pagkakamali na nakikita mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-10-17-22-27-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nanaisin mo ngayon ang mag-abroad. Tumuloy ka dahil maaaring nasa malayo ang hinahanap mong ligaya. Ito ang mensahe para sa iyo.
Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-26-29-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itapon mo, ang mga pagdududa mo dahil wala itong magandang kauuwian. Ito ay isang pandaraya lang sa iyong sarili, kaya hindi ka maligaya sa buhay mo. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-31-32-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang sumakay sa mga reklamador, at huwag ka ring pumatol sa mga paladaing, dahil masisira lang ang iyong diskarte at magagandang nangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-16-24-28-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi puwede na lagi ka na lang magtatago sa loob ng bahay. Hindi rin maaari na talunin ka ng pagkabagot. Ang payo sa iyo ng kapalaran mo ay magpunta ka sa masasaya at magagandang lugar. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-15-17-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Panoorin mo ang mga abala sa kanilang mga sariling buhay, dahil sa kanila may makukuha kang magandang aral na puwede mong gayahin at isabuhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-23-35-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) –Ngayon ang araw na tuluy-tuloy na papasok sa iyo ang mga suwerte. Ang ilang malalapit sa iyo ay susuwertihin din, buwenas sila dahil buwenas ka ngayon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-21-25-26-34.




Comments