Horoscope | May 25, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 25, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 25, 2021 (Martes): Kung hindi mo magawang mag-abroad agad, mamasyal ka sa malalayong lugar dahil ang paglayo ay pampasuwerte sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong mayamang imahinasyon para lalong mapalago ang iyong kabuhayan. Kung puwede, huwag mong gamitin sa ibang bagay, lalo na sa pag-iisip ng negatibo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng lakas sa mga taong nagmamahal sa iyo. Lumayo ka sa mga pabigat o mga taong umaasa sa iyo pero nagagalit kapag hindi napagbigyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-19-20-23-34
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw makiisa sa iyo. Muli, sisirain lang nila ang mga araw mo kung kailan puwede kang kumita ng malaki. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-25-28-35-42-44.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag ka agad mag-isip ng hindi maganda sa taong mahalaga rin naman sa iyo. Ang mabilis na panghuhusga ay kadalasang sanhi ng mahirap solusyonang sigalot at problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-27-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalago nang husto ang negosyo kapag nakikipagkuwentuhan ka sa iyong mga suki kahit sandali lang. Huwag kang tumulad sa iba na walang kibo na parang makina at suplado. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-8-10-13-26-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-kaalaman ang nakukuha sa pagtatanong, kaya bakit ka mahihiyang magtanong? Kaya umulad at nagsiganda ang kapalaran ng iba ay dahil sa mga pagtatanong. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-18-20-21-28.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamasayal ka sa ibang lugar. Dahil kapag maganda ang isang pasyalan, pumapangit din kapag doon na lang palaging pumupunta. Ang nakakapunta sa bagong lugar ay sumisigla at lumalakas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-21-28-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isabuhay mo ang sinasabing, “Ang tumutulong sa kapwa ay tutulungan ng langit.” Kaya huwag kang magagalit o sasama ang loob kapag ang tinulungan mo ay nakalimot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-29-30-38-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ihihinto ang iyong pagdedebosyon sa iyong kinikilalang Diyos. Hindi man maniwala sa iyo ang nasa paligid mo, ito ang sikreto kaya ka pinagpapala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-12-27-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis kang aasenso dahil sa pagsisikap at espesyal na tulong ng mga nagmamahal sa malayo. Ituloy mo ang pagsisikap dahil ito ang dahilan kaya ka tinutulungan ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-21-28-35-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga nagpapasakit ng ulo mo. Ikaw ay nabubuhay para magsaya at hindi para malungkot. Gawin mo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng ligaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-29-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilagay mo sa negosyong kumikita ang darating na tulong sa iyo. Baka magkamali ka kung saan ang susubukan mo palang negosyo ay hindi kabilang sa mga kumikita na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-14-25-31-35.




Comments