Horoscope | May 24, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2023 (Miyerkules): Ngayon magsisilabasan ang iyong magandang kapalaran. Kaya ang mga taong didikit sa iyo ay gaganda rin ang takbo ng kanilang pamumuhay. Ito ang kahulugan ng araw na iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang bawat kilos mo ang nagpapaganda sa buhay mo. Kaya kung ‘di ka kikilos mag-aatrasan lahat ng suwerte paparating sa iyo. Ang mabuti mong gawin ay kumilos upang tuluy-tuloy na pumasok ang suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-17-20-22-25.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nararamdaman mong hindi maganda ang motibo nila laban sa iyo, ikaw na mismo ang lumayo. Ito ang babala ng kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-23-26-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumikha ka ng oportunidad na kung saan ay mapapasigla mo ang mga wala nang pag-asa na sila’y umunlad. Ito ngayon ang misyon mo sa mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-18-28-32-34.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na ipinagkaloob sa iyo ng langit. Kaya anuman ang hilingin mo sa itaas, tiyak na magkakatotoo at matutupad. Kaya ano pang ginagawa mo, hiling na! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-27-38-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kailangan mong magpakumbaba. Dahil may babala na kapag patuloy kang naging maangas, isa-isang lalayo sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-24-26-33-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakamangha ang mga masayang larawan na para bang ibinabalik ka sa nakaraan. Titigan mo ang iyong masasayang alaala. Ito ang iyong susi upang gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-20-23-28-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito. Muling ibinalik ng langit ang suwerte mo upang malaman ng mga naiinggit sa iyo na wala silang magagawa laban sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-28-31-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang kumilos na para bang wala kang iniintindi, dahil ito ang babala na ‘pag ipinagpatuloy mo ito matatamasa mo lahat ng kapighatian sa buhay mo. Ito ang mensahe sa iyo ng araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-21-26-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbabalik ang dating naging bahagi ng iyong buhay. Nasa sa iyo kung tatanggapin mo ito o aayawan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-28-33-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maaliwalas ang langit ngayon. Kaya’t aaliwalas din ang iyong kapalaran kung ‘di mo papansinin ang mga negatibong bagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay- lilac. Tips sa lotto-2-10-15-16-24-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag maalinsangan, mas magandang kumilos. Ito rin ang magandang panahon upang mapalitan ng magandang kapalaran ang sunud-sunod mong kamalasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-26-27-30-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Hindi na mahalaga kung ‘di mo alam ang nangyayari. Ang tagumpay ay nakakamit ng nakikipagsapalaran. Samantala, ang kabiguan ay para sa mga duwag makipaglaban. Masuwerteng kulay- green. Tips sa lotto-7-10-17-24-26-34.




Comments