top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 24, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2021 (Lunes): Napakalakas ng iyong karisma. Magagamit mo ito upang makuha ang anumang papangarapin mo sa buhay, kaya gamitin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang piliin mo. Hindi para sa iyo ang sinasabing ang maganda sa paningin ay hindi magandang piliin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuw­erteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-23-39-41-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Isang pribilehiyo ito na ipinagkakaloob ng langit sa mga gustung-gustong umasenso ang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-20-23-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mangamba, puwede mong pagsabay-sabayin ang iyong mga hangarin sa buhay. Ang totoo nga, kahit ito ay hindi sabihin, ito na mismo ang takbo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-16-31-32-36.


CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang pakiramdam ang iyong madarama kung saan parang dama mo na papalapit na sa iyo ang mga suwerteng inaasam-asam mo. Ang tanong, mapasasaiyo ba? Ang sagot ay “Oo!” Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-24-30-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kaya, mahina ka! Wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang ang mga tukso ay gumugulo sa isip at mga pagkilos mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-1-16-20-24-26-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso. Ang utos ng iyong isip ay magsisilbing nega­tibong puwersa na palaging hadlang upang ikaw ay lumigaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-18-20-24-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit saan ka pumunta at kahit ano pa ang iyong ginagawa, ikaw ay bubu­wenasin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-24-30-36-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang mga araw kung kailan mahina ang iyong mga karibal. Umaasta lang sila na sila ay malakas pero sa totoo lang, sila ay hanggang porma lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-24-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magseryoso ka pero sa pagseseryoso, dapat ding makita na ikaw ay masaya. Huwag mo ring ulitin na ang pagseser­yoso ay tutok na tutok sa trabaho. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-23-31-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Simple lang naman ang susi ng tagumpay. Ilabas mo ang magagandang katangian at itago ang mga pangit na ugali. Gawin mo at makaaasa ka na maaabot mo ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-15-23-26-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ka nagtataka na marami pa rin ang may hangarin na maging bahagi ka ng kanilang buhay? Sadyang totoo ang madalas mong naririnig na ikaw ang pampasuwerte ng may gusto sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-18-21-22-26.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat naman, habang nila­landas ang daan ng tagumpay ay may nakakaharap na mga pagsubok. Ito ay simpleng nagsasabing sinusubok ka lang naman kung buo ba ang iyong loob. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-21-24-33-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page