top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | May 23, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 23, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 23, 2023 (Martes); Napag-iiwanan ang mababagal, hindi ka mabagal kaya tiyak maiiwanan mo ng ilang milya ang iyong mga kakumpitensya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ngayon ang araw na ‘di ka rapat mag-alinlangan. Huwag kang kukurap. Ituloy mo lang kung ano ang nais mo. Makakaasa ka na ito ay tiyak mong makukuha. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-28-29-30-32-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ito ang araw na maaari mo nang simulan ang matagal mo nang binabalak na magnegosyo. Ito rin ang araw na kung tawagin ay araw ng pagpapalago. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-29-30-31-36-41.

GEMINI (May 21-June 20) – Kakaiba ang dating sa iyo ng araw na ito. Dahil kikilos ang mga lihim mong kaaway upang pabagsakin ka ngunit sa hindi nila inaasahang pangyayari sila ang pa mismo ang babagsak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-24-27-33.

CANCER (June 21-July 22) – Ikilos mo ang iyong katawan na may sigla, saya at tiwala sa sarili. Sapagkat ito ang susi upang ang suwerte ay magsilapit sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-21-28-29-30-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) – Ingatan mo ang iyong bawat kilos, dahil may babala na huli na bago mo mapansin na nauubos mo na ang iyong kayamanan sa mga bagay na wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-18-26-34-38-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Ngayon mo matutuklasan ang mabilis na pormula kung paano mo mapapaunlad ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-15-26-34-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Bibilis ang kilos ng mababagal ngayon. Kaya ang kukupad-kupad ay bibilis din. Dapat mas mabilis ka kaysa sa rati dahil maaari ka nilang abutan at lagpasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-22-26-27-36-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Nagpapalit ng balahibo ang mga ibon at nanariwa ang kanilang lakas. Magpalit ka ng pormula na ginagamit mo sa pagkabuhayan, makakaasa ka na babalik din ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto -6-10-13-14-26-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Kung nasaan naglalagi ang masasayang tao, naro’n ang suwerte mo. Kung nasaan nagtitipon ang mga nagkukuwentuhan doon ay puwede kang kumita ng malaki. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-5-15-26-37-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Huwag kang papayag na matalo ka. Lalo na ‘yung nagpupumilit na sumisingit sa isip mo para papangitin ang karanasan mo. Dumikit ka sa mga palabiro, mahaharot at palakuwento. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-21-26-37-40-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili dahil sa napakaraming magagandang bagay na nangyayari sa buhay mo. Ito ay babala para sa iyo upang lalo kang mag-ingat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-23-29-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Nahuhulog ang bunga sa sanga kapag ito’y hinog na. Gayundin, ang puso ng matagal ng humahanga sa iyo. Gagawa ito ng paraan upang mapalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-20-22-25-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page