top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | May 22, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 22, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 22, 2023 (Lunes): Gamitin mo ang iyong husay para sa iyong sariling kapakanan. Huwag kang papagamit dahil gagamitin ka nila upang sila ay umunlad.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka nang lakas sa mga nagtagumpay, sila na sinubok ng kapalaran at hindi natinag. Pag-ibayuhin mo ang pagiging matibay at matatag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-21-24-38-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag sama-sama mas malakas at kapag nagkahiwa-hiwalay ay humihina. Ito ang ilagay mo sa isip mo huwag mong hayaan na magkawatak-watak ang malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-25-27-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na para bang wala ng bukas. Ito ay isa sa pormula ng tagumpay. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-21-26-30.

CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka tutulad sa mga taong pinahihirapan ang kanilang sarili? Oo, nagtagumpay nga sila ngunit may nakukuha naman itong karamdaman. Kung ano ang kaya mo, iyon lang ang dapat na gawin at tapusin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-26-30-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lunurin mo ang iyong sarili sa masasayang bagay. Ito ang premyo mo dahil sa ipinakita mong hirap at pagsisikap. Ito rin ang inspirasyon mo sa hamon ng buhay na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-6-19-22-28-31-.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nadadapa ang nagmamadali, ito ay nangyayari rin sa lovelife. Bakit ka magmamadali? Ang sobrang pangungulit ay mali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-25-28-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumarami ang iyong tagahanga. Ang iba ay lihim lang dahil asiwa sa galing at husay mo pero higit kanino man nasa tagong-pagtingin ang tunay mong kaligayahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-18-22-29.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong galing, dahil masasayang ito kung matutulad ka sa mamahaling alahas na habambuhay nakatago sa lalagyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-22-24-39-40-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mas maganda kung ikaw ay mabilis upang marami kang makuha. Ito ang iyong isabuhay, iwanan ang pagiging mabagal. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-25-27-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang sumali sa pagalingan, silang mahuhusay sa kaalaman ay makikitang kinakapos sa paramihan ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-23-38-41-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapasaiyo lahat ng naisin mo, pero kung labis ang iyong tiwala sa sarili mawawala rin lahat nang ito. Alamin ang iyong kapintasan at gumawa ng paraan upang maisaayos ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-22-27-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang tumulad sa mga ayaw magsumikap. Ang ilagay mo sa iyong isip “Suwerte man o hindi, kailangan pa rin magsikap para sa kanyang sarili”. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-20-26-32.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page