Horoscope | May 21, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 21, 2023 (Linggo): Mas mataas ang iyong personalidad kaysa sa mga pangkaraniwan dahil habang lumalakad ang panahon, mas itataas ka ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang magyabang dahil sa biglang pagganda ng takbo ng iyong kapalaran. Mas gaganda pa ito kapag ikaw ay nanatiling mapagkumbaba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-26-29-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong desidido ka sa kahilingan mo. Hindi okey na porke nasabi mo ay tapos na. Mas magiging maganda kung lalakipan mo ito ng pagkilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-25-31-32-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong dugtungan ang tapos na. Mas maganda na harapin ang bagong umaga na may bagong inspirasyon na magbibigay ng panibagong pag-asa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-27-32-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ikaw ay nakayuko, ang lungkot ay ‘di na mawawala pa. Samantala, kung ang iyong ulo ay nakataas, gaganda ang iyong pakiramdam na para bang may panibagong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-19-26-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ang araw na ito ay nagbabalita na hihina ang karibal mo, ngunit poporma ito na parang mas malakas kaysa dati. Gayunman, ‘wag kang matakot dahil ipagkakaloob ng langit ang tuluy-tuloy na tagumpay sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-22-28-30-39-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumunta ka sa lugar kung saan malayo sa problema. Sa ganitong paraan, makakapag-isip ka nang mabuti upang masolusyunan ito. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-13-25-27-34-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umasa ka dahil masarap ang umasa, ngunit ihanda mo ang iyong sarili sa mga bagong kaganapan na maaaring makaapekto sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-27-29-30-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napansin mo na kumikilos ang iyong kapalaran na iba sa iyong iniisip at pinaniniwalaan. Damang-dama mo na mas ikagaganda mo ang kilos ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-15-18-25-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumating na ang takdang araw at binibigyan ka ng pagkakataon na ikaw mismo ang gumuhit ng sarili mong kapalaran. Pagbutihin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-20-26-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ididikit sa iyo ng langit ang isang mataas na ranggo at may sinasabi na ang misyon ay ipakita sa iyo kung paano ka tuluy-tuloy na aasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-26-29-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lilipas rin ang mabibigat mong problema, hindi dahil sa sarili mong kilos dahil ang totoo, rito sa mundo ang lahat ay lumilipas. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-21-26-28-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maninindigan ka ngayon. Hindi puwede na lahat ng gusto mo ay ipapaubaya mo sa iba. Ang may paninindigan ay hinahangaan ng nasa itaas habang ang walang paninindigan ay nabibigo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-27-28-30-34.




Comments