top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 21, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 21, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 21, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 21, 2021 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na aangat ang iyong buhay hanggang sa maabot mo ang iyong mga pangarap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sobrang humanga sa iyo ang langit. Bukod sa magbubunga ng magaganda ang mga pagsisikap mo, dadagdagan ka pa na mga espesyal na pagpapala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-21-27-30-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nahaharap ka ngayon sa isang pagsubok na kung malalagpasan mo ay mahigpit kang yayakapin ng magagadang kapalaran at ito ay mananatili na sa iyo habambuhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-15-16-25-27.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka naman puwedeng awatin sa kabilisan ng iyong mga kilos, pero mas maganda pa rin na kahit anong bilis mo, talasan mo ang iyong isip. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-25-28-31-35.


CANCER (June 21-July 22) - Ramdam na ramdam mo ngayon ang magagandang ipinakikita ng taong nagpapahalaga sa iyo. Sa huli, kayo ay magiging magkarelasyon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay- yellow. Tips sa lotto-18-26-27-37-40-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bumibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Dapat maging mabilis ka rin nang hindi makalagpas sa iyo ang naggagandahang oportunidad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-24-28-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ka, ‘yun mismo ang iyong ipakita. Hindi na dapat maulit ang mga nakaraan kung saan itinago mo ang iyong nararamdaman at pilit mo itong tinatakpan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-25-26-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo ang iyong kahinaan. Kailangan mo itong gawin upang mapasaiyo ang tunay na kaligayahan. Oo, labanan mo ang iyong kahinaan nang hindi ka na kailanman mabigo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-18-23-29-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang kapalaran dahil inaayos nito ang mga pagkakamali. Ito ang iyong nararanasan ngayon kung saan pagkatapos ng pag-aayos, magkakaroon ka ng isang maligaya at masaganang karanasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-26-30-32-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumagaan ang mga pasanin kapag may katuwang. Alisin mo sa iyong isip na kaya mong harapin ang iyong buhay nang nag-iisa. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-18-21-29-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pigilan ang nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Lahat naman ay nagsisimula sa wala. Muli, rito sa ibabaw ng mundo, ang lahat ay nagsimula sa wala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-22-28-33-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Angat na angat ka ngayon sa mga taong ang gusto lang ay mabigo ka. Hindi ito mangyayari dahil ang kabiguan ay hindi para sa iyo kundi para sa kanila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-24-27-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maunawaan ang buhay ng tao. May tulad mo na ayaw umalis sa lungkot na niyayakap. Ito ay dahil ang iyong kalungkutan ay bunga ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-25-28-35-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page