Horoscope | May 20, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 20, 2023 (Sabado): Mas malakas ang iyong karisma kaysa sa mga nag-aakalang malakas ang kanila. Gamitin mo ito sa pagpapalago ng iyong negosyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakapusin ka sa lakas para sa pagpapaunlad ng iyong pinagkakakitaan kung ang iyong emosyon ay hindi mo lalabanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malakas ang dating ng pang-akit mo ngayon. Hindi lang kapwa mo tao ang iyong maaakit kundi pati ang langit, kaya pagkakalooban ka ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-29-30-32-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ka, kaya maaakit ka ng isang taong mas mahina sa iyo. Gayunman, mas malakas ka pa rin kahit paano dahil magagawa mong magising sa katotohanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-18-24-27-35.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Kumbaga, ikaw ang may hawak ng manibela dahil kung ano ang gusto mo ay masusunod. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-18-36-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mabigat ang kapalaran mo dahil maraming umaasa sa iyo. Itigil mo ang pagtulong sa mga taong pabigat lamang sa iyong buhay upang mas mabilis kang umunlad at magtagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-28-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huminto ka. Walang kauuwian ang kilos na hindi pinagplanuhan. Ang magagandang bagay sa mundo ay dapat gamitan ng masusing pagpaplano. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-13-15-29-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang kapangyarihan na pagandahin ang hindi maganda sa iyong paningin. Gayundin, kaya mo pang pagandahin ang maganda na. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-20-24-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang iyong lihim. Huwag mo itong sabihin sa kahit na sino at kahit pa sa malapit sa iyo. Ang nagtitiwala ay kadalasang nagsisisi. Ito ang babala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-17-20-22-26.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong tangkain na ituwid ang matigas na ulo. Hayaan mo na siya ay matututo sa karanasan. Lumalambot ang ulo kapag nauuntog at nagkakabukol. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-15-27-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka sa bulong ng iyong damdamin. Hindi maligaya ang isang tao dahil nagpapadikta siya sa kanyang isipan. Muli, sumunod ka sa bulong ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-20-21-29-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka muna sa mga mabilisang pagsasaya. Ang kailangan mo ngayon ay ang pagpapatatag ng pundansyon sa seryosong pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-24-28-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilalagay sa iyong harapan ang magandang pagkakataon na puwedeng panghabambuhay kang makakaranas ng kaligayahan. Lakasan mo ang iyong loob, sunggaban mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-29-38-40-41.




Comments