top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 20, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 20, 2021



Sa may kaarawan ngayong May 20, 2021 (Huwebes): Hindi ka bibiguin ng kapalaran mo kahit madalas ay nagkakamali ka ng diskarte dahil sa iyong damdamin. Makakaasa ka na matutupad ang mga pangarap mo sa buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin ang iyong susundin ngayon. Matutuwa ang langit dahil malilihis ka ngayon sa paghahangad ng materyal na bagay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-26-28-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malaking suwerte ang makasisingit sa kapalaran mo at iyo ring malalaman na kapag malakas ang loob, ang magagandang kapalaran ay nagdaratingan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-20-23-31-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Bibigyan ka ngayon ng kapahingahan ng langit nang sa gayun ay lalo kang lumakas sa darating na mga araw na kailangang-kailangan mo ang tibay ng pangangatawan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-27-24-25-32.


CANCER (June 21-July 22) - Nagsisimula na ang mga araw kung kailan saya, ligaya at magagandang bagay ang gumuguhit sa iyong kapalaran. Huwag mong ipagdamot ang mga kaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-22-28-31-32-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit sa totoo lang ay sobra na ang mga suwerteng sumasaiyo, patuloy pa rin na nagdaratingan ang maagang mga regalo sa iyo ng langit. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-25-29-30-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsabi ka ng gusto mo sa langit. Huwag mo nang habaan ang iyong mga sasabihin. Dahil ang totoo, kapag mahaba mga salita mo, ibig sabihin ay nag-aalinlangan ka pa. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-13-19-21-27-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo dapat paghaluin ang problema sa pag-ibig at trabaho. Ngayon ay magandang araw para sa pagsasaayos ng mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-20-21-25-27.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - “Mata sa mata, ngipin sa ngipin”, huwag mong gagawin ito. Hindi ka kabilang sa mga taong may galit sa mundo. Bagkus, ikaw ay kabilang sa mga hinahangaan dahil sa pag-ibig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-22-29-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang malungkot kapag ikaw ay naisahan. Mas maganda na kaawaan mo ang mga gagawa sa iyo ng pagkakamali dahil sila ay pinagdamutan ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-12-24-33-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papalit-palit lang ang lungkot at saya. Pero sa iyo, hindi papayag ang langit na malungkot ka. Ito ang dahilan kaya patuloy na dumarating ang mga suwerte na magdudulot sa iyo ng labis na kasiyahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-28-32-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Babanat ang mga naghahangad na mabigo ka dahil ayaw pa nilang tumigil para masira ang diskarte mo. Kaya lang, patuloy din ang pagbibigay sa iyo ng proteksiyon ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-21-29-35-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mawawala ang mga anino ng kalungkutan dahil sobrang magliliwanag ang maganda mong kapalaran. Hindi makakasingit kahit ang mumunting pangit na bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-17-26-27-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page