top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | May 2, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 2, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 2, 2023 (Martes): Sundin mo ang iyong damdamin dahil ito ang ipinagkaloob sa iyo ng langit nang sa gayun ay matagpuan mo ang iyong kaligayahan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang magandang araw para sa pagkakawanggawa. Ang ibang araw ay wala nang bisa. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-29-30-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nahuhulog ang bunga kapag sobrang hinog na. Ang magandang pagkakataon, habang nasa iyong harapan ay kunin mo, lakasan mo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-20-31-32-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Maaantala ang magagandang proyekto, maaakit ang mga mata mo sa magandang panlabas. Gayunman, muli kang matatauhan. Tutukan mo ang mahahalagang bagay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-22-26-27-33.


CANCER (June 21-July 22) - Binibigyan ka ngayon ng langit ng paraan upang mapaunlad ang iyong buhay. Huwag mo nang pairalin ang pagiging negatibo. Kumilos ka para sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-27-28-34-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag hindi mo napigilan ang iyong sarili na magpakita ng awa, pigilan mo ang iyong nakaugalian na sobra kung tumulong. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-7-15-28-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magulo ang maraming iniisip. Kung nais mong maayos ang iyong buhay, magpokus ka sa isang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-13-24-28-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ay lilitaw ang mabait na ikaw, at ‘di naghihintay ng anumang kapalit kahit umulit ay iyo pa rin itong tutulungan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-9-12-27-31-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masuwerte ka ngayon, ilagay mo sa iyong isip na ang mga biyaya na mapasasaiyo ay regalo ng langit dahil sa mga kabutihang ginawa mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-20-23-24-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong kontrahin ang iyong sarili kapag nahulog ang loob mo sa taong mas mababa sa iyo. Hindi porke nahulog ang loob mo sa isang tao ay mahuhulog ka na rin sa tukso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-18-27-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Subukan mo ang ibang bagay dahil ang pagkabagot anumang oras ay puwedeng makaapekto sa buhay mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-16-17-27-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit saan, ang tao ay puwedeng sumaya dahil ang pagsasaya ay nagmumula lang sa kaisipan. Mag-isip ka ng masasayang pangyayari at mawawala ang lungkot mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-24-28-31-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iwan mo sa bahay ang sama ng loob mo dahil kapag ito ay dinala mo sa trabaho, madadamay ang mga walang kinalaman. Kumbaga, ang trabaho ay dapat trabaho lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-27-28-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page