Horoscope | May 19, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 19, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 19, 2023 (Biyernes): Hindi ka muubusan ng suwerte, at marami rin ang susuwertehin dahil sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo ang iyong plano dahil makukuha mo ang ‘di inaasahang magandang resulta. Huwag ka nang mag-alinlangan pa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-24-29-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nababalot ng putik at lupa ang dalisay na ginto. Huwag kang maniwala na may magandang kita sa ‘di pinaghihirapang proyekto. Ito ang itanim mo sa iyong isip. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-15-29-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli mong balikan ang mga naunang ideya dahil ito ang magpapaunlad sa iyo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-14-15-20-33.
CANCER (June 21-July 22) - Dadalawin ka ng mga suwerte dahil ayaw ng langit na parang nagtatampo ka sa mga kahilingan na akala mo’y hindi napapakinggan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-17-22-26-29-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang araw ng pagkakawanggawa, ngunit ito ay para lamang sa walang kakayahan at hindi para sa mga tamad na ayaw magsumikap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-21-24-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magtagal sa pasamantalang kasiyahan dahil wala kang mapapala rito at uubusin lang nito ang iyong sigla at inspirasyon. Ito ang itanim mo sa iyong isip. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-29-38-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magdagdag ng pabigat sa buhay mo. Kapag nahihirapan ka, layuan mo. Hindi ka ipinanganak para maghirap dahil ikaw ay para sa masarap na pamumuhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-22-27-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdahan-dahan ka upang malinaw mong makita ang iyong dinaraanan. Sa ganitong paraan, hindi ka masasaktan, sa halip ay gaganda pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-19-25-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magiging palakuwento ka at ito ay ikagugulat ng nasa iyong paligid. Ito ay senyales na magdaratingan na ang mga suwerte sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-16-22-24-29-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakamasid sa iyo ang langit dahil binabantayan ka nito laban sa mga kontrabida sa iyong buhay upang ‘di makaporma ang mga ito laban sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-21-25-28-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gugulo ang ideya na labas-pasok sa isip mo. Dapat ka nang pumili ng isa sa mga ito at gawin mo na agad. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-30-38-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na darating ang pinakahihintay mo. Ingatan mo itong mabuti dahil matagal pa bago bumalik at maulit ang araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-15-20-21-22-25.




Comments